Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo Aga Muhlach First Love
Bea Alonzo Aga Muhlach First Love

Aga, namangha/natulala sa kakaibang galing ni Bea

MAY kondisyong ibinigay si Aga Muhlach kay Direk Paul Soriano na kung gagawa siya ng pelikulang love story ay si Bea Alonzo ang gusto niyang leading lady dahil matagal na niyang inaasam na makatrabaho ang aktres.

Hindi itinago ni Aga na pinanonood niya ang mga pelikula ni Bea at sobrang bilib niya na talagang sinasabi niya sa sarili na, ‘hmm, ganito ang gagawin mo, eh’ kasi nga artista siya kaya alam na niya ang mga susunod na eksena, pero napapamangha pa rin siya sa kakaibang ipinakita ng aktres.

Ang rason ni Aga kaya ayaw na sana niya ng love story, ”it’s like 7 years ago, so parang… (nanganganay) na ako.” Ang huling ginawang love story ng aktor ay ang In The Name of Love kasama si Angel Locsin, 2011.

Sa pagpapatuloy ng aktor, ”Kasi parang there was no challenge anymore, every year I would get offers and offers like (I said) this is not working, this is not working, parang okay na rin. Nalulungkot din ako dahil nasa puso ko talaga ang paggawa ng pelikula until ‘Seven Sundays’ happened. 

“When that was offered to me, a character which I haven’t done and it was a great experience also, it did well, I’m so grateful, and then ito na pumapasok na ang love story, takot na takot na akong hawakan kasi halos lahat (love story) nagawa ko na and I was so scared.

“What do I experienced here, my gosh para mabuo namin ito, we never stop, I believe in the cast, I believe Bea, I believe Paul, one day heto na almost a year (negotiations), mayroon akong fear na baka hindi magustuhan ng tao ito. Kasi, I have so much respect for my viewers who has been with me thru the years and kung may ipakikita ako na ganoon lang para makapagtrabaho lang ako, huwag na lang parang mas gusto kong iwan ‘yung tatak ng pangalan ko rati. 

“But when this came along, men and I am so thankful to the Lord and thankful to the people involved for making this happened and thank you.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan


Perfect chemistry ang Aga at Bea — Direk Paul 
Perfect chemistry ang Aga at Bea — Direk Paul 
Posibleng magkagustuhan, sakaling parehong single
Posibleng magkagustuhan, sakaling parehong single
Kris to Herbert  — He was there when I needed a friend
Kris to Herbert — He was there when I needed a friend
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …