Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Drug convict pinalaya ng CA dahil sa paglabag sa protocol ng PNP

MAGING aral sana sa mga law enforcement agencies ang pagpapalaya ng Court of Appeals (CA) sa isang akusado na hinatulang mabilanggo nang habambuhay matapos matuklasan na hindi sumunod sa wastong protocol sa pag-iimbentaryo ng mga ebidensiya.

Sa 11-pahinang desisyon ng CA Second Division, pinawalang sala si Elvis Eusebio Macabuhay, para balewalain o ibasura ang naunang desisyon ng Regional Trial Court Branch 227 na humatol ng life imprisonment at multang P500,000 sa kanya.

Inatasan din ng CA ang Bureau of Corrections na pawalan si Macabuhay mula sa New Bilibid Prison.

Sa record ng CA, si Macabuhay ay inaresto sa isang anti-drug operations sa Quezon City noong 2 Disyembre 2011.

Siya ay inakusahang nagbenta ng .07 grams shabu sa halagang P500.

Ayon kay Macabuhay, nagpasok ng not guilty plea, maraming armadong lalaki ang sapilitan siyang ipinasok sa isang van at dinala siya sa La Loma police station. Dalawa sa kanila ay kinilalang sina PO3 Ronniel Abuyog at PO2 Jonathan Rodriguez.

Ayon sa CA, ang rekesitos na itinatakda ng Section 21 ng Republic Act 9165 ay hindi sinunod ng mga operatiba.

Ang imbentaryo ay hindi ginawa pagkatapos ng pag-aresto, sa halip ito ay ginawa sa Barangay San Jose, na 500 metro ang layo sa pinang­yarihan ng buy-bust.

Wala rin umanong kinatawan mula sa media at mula sa National Prosecution Service habang ginagawa imbentaryo.

Hindi po tayo natutuwa na palpak ang pulisya sa kasong ito. Ang pagkaabsuwelto ng akusado ay dahil sa kakulangan at kapalpakan ng law enforcers kaya walang magagawa ang awtoridad kundi ipatupad nang tama ang batas.

Kaya inuulit natin, maging aral sana ito sa mga alagad ng batas at sa iba pang law enforcement units.

Huwag magmadali at huwag na huwag masanay sa pagtatanim ng ebidensiya dahil ang mga burara sa tungkulin ay tiyak na masisilat pagdating ng panahon.

CONGRATULATIONS
CALOOCAN CITY,
KUDOS MAYOR OCA!

BINABATI natin si Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan na pinagkalooban ng Most Outstanding Mayor Award.

Sa pamamagitan ng institution na nagsa­gawa ng international survey, si Mayor Oca ay lumitaw na isa sa mga progresibong alkalde sa Metro Manila matapos niyang maiahon sa isang lumang imahen ang Lungsod ng Caloocan.

Sa ilalim ng kanyang administrasyon, naitayo ang isang bagong city hall na itinuturing na one-stop shop, isang multi-purpose gym­nasium na maaaring pagtanghalan ng malala­king aktibidad gaya ng malalaking liga ng basketball sa bansa at iba pang musikal na pagtatanghal.

Patuloy na pagpapagawa ng mga impra­estruktura na makatutulong sa bawat mama­mayan gaya ng ospital, unibersidad, TESDA center at iba pa.

Hindi mapapasubalian na si Mayor Oca ay naghatid ng malaking pagbabago sa makasay­sayang lungsod ng Caloocan.

Mabuhay ka, Mayor Oca!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *