Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kadenang Ginto Adrian Alandy Dimples Romana Beauty Gonzalez Albert Martinez
Kadenang Ginto Adrian Alandy Dimples Romana Beauty Gonzalez Albert Martinez

Albert, Dimples, Adrian, at Beauty igagapos ng pagmamahal at kasakiman sa “Kadenang Ginto”

SIGURADONG kakapitan ng mga manonood ang kuwento ng isang pamilyang pinakinang ng pag-ibig ngunit binalot ng kasakiman sa “Kadenang Ginto,” na magsisimula na ngayong Lunes (8 Oktubre) sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

Kilalanin si Romina (Beauty Gonzalez), ang babaeng maaasahan lalo na ng kanyang pamilya dahil sa kanyang kasipagan. Puno rin siya ng ligaya dahil kay Carlos (Adrian Alandy), ang kanyang butihing nobyo. Masaya silang mag-iibigan at bubuo ng pangarap, hanggang magpasya silang magpakasal.

Ngunit bago maganap ang pinakahihintay nilang araw, isang krimen ang sisira sa buhay ni Romina — gagahasain siya ng isang hindi kilalang lalaki. Dahil hindi naniniwalang ginahasa ang nobya, makikipaghiwalay si Carlos kay Romina, na hahantong naman sa matinding pagluluksa ng dalaga.

Lalo pang gugulo ang situwasyon dahil magbubunga ang nangyaring krimen kay Romina at magdudulot ng matinding panghuhusga. Sa gitna ng unos, masasandalan niya si Robert (Albert Martinez), ang may-ari ng pinagta­trabahuan niyang kompanya.

Mauuwi sa isang relasyon ang kanilang pagsasama, ngunit hahadlangan ito ni Daniela (Dimples Romana), ang anak ni Robert. Dahil mababa ang tingin sa dalaga, ipamumukha ni Daniela na pera lang ang habol ni Romina sa pamilya at gagawin ang lahat upang mailayo ito mula sa ama.

Upang pahirapan at galitin ang kaaway, aakitin ni Daniela si Carlos – isang relasyong uuwi sa kasalan at magbubunga ng anak nilang si Margaret. Ngunit sa pag-aakalang madali niyang makuku­ha ang mana mula sa kanyang ama, malalaman niyang makaka­agaw na rin nilang mag-ina sa yaman hindi lang si Romina kundi maging ang anak niyang si Cassandra.

Dito mas titindi ang kanilang hidwaan para sa karapatan at pagmamahal mula kay Robert dahil magsasama-sama sila sa iisang bubong. Muli nga kayang maibalik sa dati ang mga ginintuan nilang puso na nabahiran na ng poot?

Samantala, kasama rin sa cast ng “Kadenang Ginto” sina Eula Valdez, Ronnie Lazaro, Luke Conde, Nikko Natividad, Adrian Lindayag, Kat Galang, at Savannah Rosales. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Jerry Lopez Sineneng. Panoorin ang “Kadenang Ginto” tuwing hapon sa Kapamilya Gold sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …