Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

23,000 sakong bigas naglahong tila bula Duterte nagalit (Sa Zamboanga)

GALIT si Pangulong Rodrigo Duterte sa pag­ka­wala ng mahigit sa 23,000 sako ng bigas na una nang nakompiska ng Bureau of Customs sa Zamboanga port.

Sa press briefing sa Palasyo, sinabi ni Pre­sidential Spokesman Harry Roque, desma­yado ang Pangulo sa insidente na pina­nini­walaan nilang may sab­watan ang BoC at ang National Food Authority (NFA).

Sinabi ni Roque, agad silang nakipag-ugnayan kay BoC Commissioner Isidro Lapeña na umak­siyon agad sa pangyayari sa pamamagitan ng pag­sususpende kay Customs Zamboanga District Col­lector Liceo Martinez.

Bukod dito, sinibak din sa puwesto ang police customs officer sa Zamboanga na kinila­lang isang Felicisimo Salazar.

Kaugnay nito, hini­hintay pa rin hanggang sa ngayon ng Pala­syo ang paliwanag ng NFA tungkol sa insi­dente.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Sogo Employee Returns Lost Cash P400,000

Hotel Sogo Employee Selflessly Returns Lost Cash Worth More Than P400,000

  QUEZON CITY, Philippines – A Hotel Sogo Santolan employee, Mr. Raymond Tobasco, discovered a …

PDEA

Batakan tinibag ng PDEA; Operator, 3 runner tiklo sa Porac, Pampanga

BINUWAG ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Pampanga Provincial Office ang isang …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted criminal ng CamSur nabitag sa Bulacan

NAHULOG sa kamay ng batas ang isang indibidwal na nakatala bilang most wanted person sa …

Olongapo PNP Police

12 timbog sa Oplan Roulette sa ‘Gapo

ARESTADO ang 12 indibidwal nang ipatupad ng Olongapo CPS, katuwang ang Criminal Investigation and Detection …

DVOREF College of Law

DVOREF Law ni Rep. Romualdez, pumasok sa Top 4 Nationwide; Elite Circle sa 2025 Bar Exams naabot na

PATULOYang “good vibes” para sa Leyte matapos ang Bar Examinations dahil opisyal nang kabilang ang Dr. …