NAKATAYO kami isang hapon malapit sa aming tirahan sa Pasay City nang abutan kami ng flyer ng isang kapitbahay na kabababa lang sa sinasakyang motor.
Flyer pala ‘yon ng isang kandidato sa pagka-mayor. Isa itong fiscal na tubong-Pasay. Later, natuklasan naming may kapatid pala itong taga-media.
Kung ganoon, tatlo ang maglalaban-laban sa pagka-alkalde sa lungsod: ang Congresswoman na kapatid ng kasalukuyang mayor, ‘yung fiscal na ‘yon, at si Cesar o Chet na kuya ni Sharon Cuneta.
Makailang beses na naming naisulat ang tungkol sa kasado nang planong pagtakbo ni Chet. Pagpipiloto ang kanyang propesyon pero handa siyang magretiro para bigyang-daan ang paglilingkod sa siyudad na matagal ding pinamunuan ng kanyang ama, ang nasirang Mayor Pablo Cuneta.
Si Chet ay dating kamag-aral ng inyong lingkod sa hay-iskul.
Nakakatihan tuloy naming tawagan ang isa naming kaklase. Kinamusta namin kung kumusta na rin si Chet na matagal-tagal na ring hindi nagpaparamdam.
Buwan ng July this year pa rin kasi namin huling nakausap si Chet, ininterbyu pa nga namin siya.
Same with our classmate who hasn’t heard from Chet sa halos ganoon ding time. Pero base sa huli nilang pagkikita, ayon kay Chet ay hindi pa kompleto ang lineup ng kanilang partido.
Chet’s party will be up against the incumbents. Malamang din sa hindi, nasa likod nito ang suporta ni Pangulong Digong Duterte na alam nating close na ngayon kay Sharon.
Pero hindi ito ang nakakaiintrigang twist sa kuwento.
Maugong kasi ang tsismis (uulitin lang namin, tsismis) na last minute ay magkakaroon ng rigodon o switching sa posisyon.
Idadaan namin sa tanong ang aming nasagap.
Totoo bang kung sakaling medyo mahina sa local survey si Chet ay si Sharon ang tatakbong mayor sa Pasay City?
Inihalintulad ito ng aming classmate-source sa kaso ni Martin Dino.
Natatandaan pa ba ninyo noong si Martin ang nag-file ng kanyang COC sa pampanguluhang puwesto only to withdraw it?
At anong sumunod na nangyari, hindi ba’t si Digong na ‘ika nga ang pumasok sa eksena at siyang kumandidato for President?
Ganito rin daw ang napupulsuhan nilang senaryo sa magkapatid na Chet at Sharon. Testing the waters ‘ika nga ang estratehiya muna nila ngayon.
Tandang-tanda pa namin ang linyang binitawan ni Chet noong kapanayamin namin, “Sharon has a heart but not the stomach for politics.”
Ewan nga lang kung sa mga susunod na araw ay pareho nang may puso at sikmura si Sharon para pumalaot sa politika.
We can never “can” tell, sey nga ni Ara Mina!
HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III