Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sanya, walang experience, pero magaling sa kama

“SANYA is really good in bed.” Ito ang tinuran ni Derrick Monasterio ukol sa kanyang leading lady na si Sanya Lopez sa pelikulang handog ng Regal Films, ang Wild and Free na palabas na sa Oktubre 10 at pinamahalaan ni Direk Connie SA Macatuno.

Derrick Monasterio Sanya Lopez Wild and Free
Derrick Monasterio Sanya Lopez Wild and Free

“Wala pa po akong experience sa ganyan, sa totoo lang,” susog naman ni Sanya na sa edad 22 ay aminadong virgin pa.

Kaya naman nasabi pa ni Derrick na magaling na artista si Sanya dahil nagawa nitong maging wild sa napakarami nilang maseselang eksena.

Kagulat-gulat din ang pagtulay ni Direk Connie mula sa napaka-wholesome na pelikulang Mama’s Girl na pinagbidahan nina Sylvia Sanchez at Sofia Andres sa isang exciting at sexy movie na Wild and Free.

“Para versatile lang,” natatawang unang paliwanag ng director. “Kami ang nag-cultivate ng story at yes and no na first time akong gumawa ng ganitong klase ng pelikula in full length.

“Generally, usually ang style ko talaga is sexy,” paliwanag pa ng director.

“Naalala ko ang first series ko noon is ‘Burn’, first sequence niyon eh naghahalikan sina Diether Ocampo at Carla Laforteza. Mayroon agad ganoon may mga naka-bikini. Hindi ano lang iyon contemporary ang approach. Liberal akong tao pero ang core ko eh traditional. Makikita mo siya sa ‘Mama’s Girl.’ Makikita mo rin siya rito na kalahati malalandi talaga ang mga eksena. Pero natural lang naman, lahat naman tayo may landi.

“At the other side of it may family din siya, may values din.”

Ukol naman sa pagkumbinse sa mga artista niya para gawin ang mga grabeng eksena, giit ng director, “May tiwala sila sa akin. Kasi nagkaroon kami ng workshop and I explain to them kung ano ang mangyayari. They got the script. May parameters kami and sinabi naman nila kung hanggang saan lang sila. Tinanong ko agad sila kung hanggang saan.

Derrick Monasterio Sanya Lopez Wild and Free
Derrick Monasterio Sanya Lopez Wild and Free

“Rerespetuhin mo lang kung hanggang saan ang kaya ng artista mo. Iniikutan mo siya kung paano ‘yung puwede at hindi puwede.”

Naintindihan naman ni Direk Connie kung hanggang doon lang ang kayang ibigay ng kanyang mga artista.

Ang Wild and Free ang biggest movie break ni Sanya.

Aniya, “May I am sensual by nature. Although we had some workshops before we started. I admit that I am still a virgin. But to act realistically on my character, I have to learn this from watching videos that can arouse my sensuality.”

Ang Wild and Free ay ukol sa istorya ni Ellie, isang independent at self-supporting woman, who has been living wild and free.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …