SWAK sa kulungan ang sinabing magsiyotang tulak ng ilegal na droga, kasama ang tatlo pang kalalakihan, kabilang ang isang menor de edad, sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang magsiyotang suspek na sina Arnold San Fernando, 28-anyos, at Nancy Bautun, 24, kapwa residente sa Purok 2, Sapa, Brgy. 8 ng naturang lungsod.
Arestado rin ang tatlo pang mga suspek na sina Ericson Ibañez, 45; Enrique Rosalida, 42, at ang 17-anyos binatilyo.
Batay sa imbestigasyon ni PO1 Aian-Jay Gamayon, dakong 11:45 pm nang isagawa ng mga operatiba ng SDEU, sa pangunguna ni C/Insp. Deimos, ang buy-bust operation laban kina San Fernando at Bautun sa labas ng kanilang bahay sa nasabing lugar.
Inaresto ang dalawa, kasama ang kanilang umano’y tatlong mga parokyano.
(ROMMEL SALES)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com