“I AM excited to announce that Eduard ‘Landslide’ Folayang and Amir Khan will face each other for the ONE Lightweight World Championship on November 23 in Manila!”
Ito ang pahayag ni ONE Championship chairman at chief-executive-officer Chatri Sityodtong makaraang tanggalan ng titulo si Australian two-division champion Martin Nguyen kasunod ng matinding injury na naging sanhi ng kabiguan niyang idepensa ang kanyang korona.
Saad sa post ni Sityodtong sa Facebook. “The stakes could not be any higher for both warriors in what will be the biggest fight of their careers. Eduard wants to reclaim his title and go down as the greatest Filipino martial artist in history. Amir wants to become Singapore’s first homegrown World Champion in history, and stamp his legacy as the greatest Singaporean martial artist the world has ever seen.”
Unang nasungkit ng 33-anyos na si Folayang ang ONE title noong 2016 sa third-round victory kontra kay Japanese champion at MMA legend Shinya Aoki sa Singapore ngunit makaraan ang isang taon, naagaw ito mula sa Pinoy ni Sydney based Nguyen sa madugong sagupaan.
Sa kasalukuyan ay nasa two-fight winning streak ang pambato ng Team Lakay sa naitala niyang dalawang back-to-back unanimous decision win laban sa dalawang Russian.
Sa kabilang dako, ang 23-anyos na si Khan nama’y nagmumula sa impresibong first-round submission win kontra sa teammate ni Folayang na si Honorio Banario sa Shanghai, China nitong nakaraang Setyembre.
Kasalukuyang nasa two-fight winning streak si Khan at mahaharap siya sa world title bout sa unang pagkakataon ng kanyang career.
Inihayag din ni Sityodtong na ang mananalo sa Folayang-Khan contest ay haharap sa magwawagi sa title fight sa pagitan nina Aoki at dating world title challenger Ev Ting na nakatkda sa 6 Oktubre sa Bangkok, Thailand.
ni Tracy Cabrera