Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jolo Revilla Bryan Revilla Luigi Revilla Ramon Revilla Sr
Jolo Revilla Bryan Revilla Luigi Revilla Ramon Revilla Sr

Jolo, Luigi, at Bryan, sinuportahan ng kanilang Lolo Ramon

LARAWAN ng kasiyahan at ramdam namin ang pagmamalaki ni dating Senador Ramon Revilla Sr., sa kanyang mga apong sina Bryan, Luigi, at Jolo nang dumalo ito sa red carpet premiere night ng pelikulang Tres handog ng kanilang Imus Productions na  ipinamamahagi ng Cine Screen ng Star Cinema at palabas na sa Oktubre 3.

Bukod kay Don Ramon, kompleto rin ang buong pamilya Revilla, mula kay Mayor Lani Revilla, naroon din sina Marlon Bautista at asawa nitong si Gigi dela Riva, Andrea Bautista Ynares, Chaye Cabal-Revilla ng Smart PLDT at namigay ng anim na cellphones, at iba pa.

Sumuporta rin si Precy Vitug Ejercito kasama ang dalawang anak at iba pang mga kasamahan at kaibigan sa industriya.

Dinumog ng fans at mga kaibigan, kamag-anak ang premiere night ng Tres na talaga namang hitik sa action.

Tama ang tinuran ni Luigi na malalim umarte ang kapatid na si Bryan na bagamat aksiyon ang tema ng Virgo ay kitang-kita ang galing ni Bryan mag-drama.

Naglalakihang artista naman ang sumuporta sa 72 Hours ni Jolo tulad nina Tirso Cruz III, Phillip Salvador, Albert Martinez, Rhian Ramos at marami pang iba.

Okey din ang pagganap bilang adik ni Luigi sa Amats at naipakita nito ang husay bilang black belter. Talagang inabangan ko ang paglalaban nila ni Markki Stroem na natanggal ang isang ngipin dahil sa lakas ng pagkakasipa niya rito.

Sa kabuuan, kung hanap ninyo ang isang maaksiyong pelikula, itong Tres ang sagot.

At sana’y hindi ito ang una at huling paggawa ng pelikula nina Bryan, Luigi, at Jolo.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …