LIGTAS ang bukod tanging Filipino nang yanigin ng 7.5 magnitude earthquake at manalasa ang tsunami sa Central Sulawesi, Indonesia nitong Biyernes na ikinamatay nang mahigit 800 katao.
Ito ang ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Malacañang kahapon, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.
Ayon kay Philippine Ambassador to Indonesia Leehiong T. Wee, kasalukuyang nasa Lapas Penitentiary ang Filipino at binubuno ang hatol ng korte dahil sa dati niyang kaso.
Nagpaabot ng taos-pusong pakikiramay at panalangin ang Palasyo para sa daan-daang namatay sa lindol at tsunami.
Tiniyak ng Malacañang ang kahandaan ng Filipinas na tumugon at umayuda para sa mga pangangailangan ng Indonesia.
(ROSE NOVENARIO)