Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Penelope Belmonte NPDC
Penelope Belmonte NPDC

NPDC sa NHI alis na kayo sa Luneta

PINAAALIS ng Natonal Parks and Development Committe (NPDC) ang National Historical Institute (NHI) sa compund ng Luneta dahil natapos na ang kanilang kontrata noong Disyembre 2017 pa.

Ayon kay Malou Reyes, chief of staff ni NPDC Executive Director Penelope Belmonte, masyado nang mahaba ang palugit na ibinigay nila sa NHI pero nagmamatigas pa rin umano ang mga opisyal ng naturang ahensiya at ayaw umalis sa Luneta.

Paliwanag ni Reyes, natapos na ang  kontrata ng NHI noon pang Disyembre 2017 kaya kung mayroon umanong delicadeza ang mga opisyal ng NHI dapat huwag na nilang hintayin na ang NPDC ang kumaladkad sa kanila para umalis sila sa kanilang puwesto.

Ang gusali ng NHI na may limang palapag ay makikita sa loob ng compound ng Luneta Park sa T.M. Kalaw Ave., katabi ng National Library, ay lupang pag-aari ng NPDC.

Sa kabila umano ng ‘notice to vacate’ na ipinadadala ng NPDC sa NHI ay hindi sila sinusunod sa halip ay binabalewala lamang.

Isinusulat ang balitang ito’y nanatling ‘tikom ang bibig’ ng mga opisyal ng NHI at ayaw magbigay ng pahayag tungkol sa naturang usapin sa halip ay isasangguni umano muna nila sa kanilang abogado kung ano ang nararapat nilang  hakbang upang hindi masira ang kanilang reputasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …