Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Walang nanlalaban sa PDEA anti-illegal drug operations

BUHAY ang mga nasakoteng suspek at kompiskado ang sandamakmak na ilegal na drogang shabu.

Ganyan magtrabaho ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Gaya nitong nakaraang mga araw, apat na Chinese Hong Kong residents ang nasakote ng mga operatiba ng PDEA, nauna ang dalawa at sumunod ang dalawa pa, at nitong Miyerkoles, ‘yung mini-laboratory ng shabu sa isang kilalang condominium sa Pasay City.

Mini-laboratory pero kayang mag-produce ng halos 100 kilo ng shabu sa loob lamang nang isang araw.

Sa apat na Chinese Hong Kong residents, dalawa sa kanila ay sinasabing magagaling na chemist ng shabu.

Sayang, hindi pa nanlaban ‘yang mga ‘shabu chemist’ na ‘yan para napatunayan sana nila na bawal ang ilegal na droga sa Filipinas.

Sa pagpasok ng mga Chinese shabu chemist, sana’y mabusisi ng mga kinauukulang awtoridad kung saan at paano sila nakapasok sa bansa.

At kapag napatunayan na mayroong mga kasabwat sa pamahalaan, sana’y agad din silang maparusahan.

Sr. PATRICIA FOX
HUMIHIRIT
PA RIN SA BI

TILA hindi pa tapos ang pakikipaglaban ni Australian nun and missionary, Sr. Patricia Fox, sa Bureau of Immigration (BI) matapos niyang maghain ng kanyang apela sa pagkaka-deny ng kanyang missionary visa.

Kumbaga sa blackjack, bokya na ay humihirit pa rin ang pobreng madre.

Matatandaan na ibinasura ng Bureau ang kanyang dating apela matapos i-revoke ng ahensiya ang kanyang visa dahil sa sandamakmak na kasong isinampa laban sa kanya.

Naging popular ang madre nang siya ay hulihin ng mga ahente ng BI matapos paratangan na sumasali sa ilang protesta at gawaing politikal na kumokontra sa kasalukuyang administrasyon.

Mismong ang Pangulo ng bansa desmayado sa ginagawa ni Sr. Fox.

Matapos mabunyag ang ganitong gawain ni Sister Fox, agad na naglabas ng “mission order” laban sa madre at inaresto sa kanyang pinagka­kanlungan sa Quezon City.

Naghain siya ng kanyang apela ngunit maka­ilang ulit na-deny at inisyuhan ng deportation order mula sa ahensiya.

Ang ipinagtataka natin, bakit gigil na gigil si Sr. Patricia na manatili sa bansa gayong mismong mga awtoridad ang nagsasabi na kailangan na niyang lumisan?!

Nakapagdududa tuloy kung ano ang totoo niyang pakay. Lalo pa’t tumitibay ang hinala ng nakararami sa kanyang mga ginagawang pagsali sa ilang rally at protesta kasama ang mga ‘kaliwa.’

Ano po ba kasi ang mayroon sa Filipinas, at hindi maiwan ni Sister?

Mayroon bang hindi maiwan?

Marami na rin namang alagad ng Diyos o mga tagapagsilbi ng nasa itaas pero lumalabas ang kanilang dedikasyon sa pagtulong sa mahihirap na hindi gaya ni Fox na hayagan pang ipinakikita ang kanyang pagkontra sa pamahalaan!

The thing is, she is a foreigner at hindi tunay na Filipino.

Susme, ina ng awa!

Onli in da Pilipins!

Sa ibang bansa ba gaya sa Malaysia, Singa­pore, Hong Kong o maging sa Gitnang Silangan uubra ba ang ganitong mga aktibidad?

Of course not!

Sa nabanggit na mga bansa, pinakama­babang parusa sa ganyang gawain ay kulong o ‘pag mas malala pa ay bitay.

Sa ganang atin dapat lang ipakita ng mga tagapagpatupad ng batas na “firm” o hindi malamya ang kanilang desisyon lalo pa’t ang seguridad ng bansa ang pinag-uusapan.

Sa ganitong kaso, na ang isang banyaga ay harapan o hayagang kinokontra o kinokondena ang pamahalaan ay hindi kaiga-igaya sa mata ng mga karatig-bansa.

Nagmumukha tayong katawa-tawa kung hayagan ang kabastusan sa atin ng isang banyaga na nakatuntong pa man din sa ating lupa.

Dapat maunawaan ng mga banyaga na may limitasyon ang kanilang mga karapatan sa pananatili sa ibang bansa lalo’t seguridad nang nakararami ang apektado!

TANOD ‘TAGAY’
SA BARANGAY
315 A-32 MANILA

GOOD am po. Gusto ko Lang po ipaalam sa chairman po ng Brgy. 315 z-32 na ‘di na dapat mag-duty ang kanilang tanod pag nakainom na. Nasira po ang aming tulog panay ang bulyaw sa kausap sa may F. Huertas at Mayhaligue ng tanod ng Brgy. 315 Z-32. Maraming salamat po.

+639159601 – – – –

GARAHE SA BIBILI
NG SASAKYAN
AT SOBRANG TRAPIK

GOOD pm ka Jerry. Kahapon galing po ako sa Recto to Blumentritt lang inabot ako ng 3 oras. Sobra na ang trafik at ang daming naghambalang sa tabi ng kalye. Ka Jerry bakit ‘yung panukala na dapat may garahe ang isang bibili ng car mag-CI muna ang company ng sasakyan. Dapat sana, ‘yan ang gawin ng batas, ‘di ba Ka Jerry? ‘Yan lang po. Suggest ko lang ‘yan, maganda kapag natupad. Si Guillermo Taruc ng San Isidro, San Luis, Pampanga. TY and more power.

+63906343 – – – –

MAS GUSTO
ANG MARTIAL LAW
NOON

‘ETONG mga raliyista mga buwisit. Salot. Isinisigaw ang kalupitan ng martial law ng time ni Macoy . Mga limang dekada na kalupitan pa raw ni Macoy ang tema. Samantala, ang Macoy ay maraming nagawang kabutihan sa bayan. Mga hospital, PICC, LRT, MWSS, Petron,  Bliss, Napoc0r, MMDA transit, Kadiwa. Fort Bonifacio etc., na pawang ibinenta at sinira pa time ni Cory, Ramos at Noynoy. Ang biktima ng martial law ay mga makakaliwa na kumakalaban at sumisira sa gobyerno. Datapuwat nang time ng martial law ang taong bayan ay payapa, ligtas, disiplinado at walang droga.

– Ernesto ng QC. (+63955965 – – – -)

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *