HINDI dismiss ang impeachment complaint laban sa pitong mahistrado ng Korte Suprema.
Sinabi ito ni Albay Rep. Edcel Lagman, nang kuwestiyonin niya ang desisyon ng House Committee on Justice sa pagbasura sa pinag-isang impeachment complaint laban sa pitong mahistrado ng Korte Suprema.
Ayon kay Lagman nagkulang sa bilang ang boto para ibasura ang complaint.
Aniya, hindi umabot sa required na boto ang komite para gawin ang pagbasura ayon sa patakaran ng Kamara.
Ayon kay Lagman, ang official at kabuuang miyembro ng Committee on Justice ay 68, kasama ang 34 regular at miyembrong 34 ex-officio.
Giit ni Lagman, ang kailangang majority vote alinsunod sa patakaran ay 35 votes at hindi 22 ayon sa pinuno ng komite na si Rep. Doy Leachon ng Oriental Mindoro.
“Consequently, the absolute majority required by the rules on impeachment is 35 votes, not merely 22 votes,” ani Lagman.
Ipinagtataka ni Lagman kung paano nasabi ni Leachon na ang miyembro ng kanyang komite ay 33 lamang at ang 17 na boto ay majority.
Aniya, ang ex-officio miyembro ay 34 at 18 ang bumoto para aprobahan ang resolusyon na ibasura ang pinagsamang impeachment complainants.
Sa 34 regular members, apat lamang ang bumoto at nag-aprub sa resolusyon. Ang 22 boto, ani Lagman, ay kulang ng 13 para umabot sa kinakailangang 35 boto para abutin ang bilang ng majority nang lahat ng miyembro kasama ang regular at ex-officio.
Paliwanag ni Lagman, ang roll call ng mga pangalan ng 68 miyembro ng komite ay tinawag bago mag-umpisa ang pagdinig. Dahil dito, ani Lagman, bigo mai-dismiss ang impeachment complaint.
ni Gerry Baldo