Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

Kelot patay sa loob ng SUV (Sa Las Piñas)

NATAGPUANG patay at tadtad ng tama ng bala sa katawan ang isang hindi kilalang lalaki sa loob ng abandonadong sasakyan sa Las Piñas City, nitong Martes ng gabi.

Base sa inisyal na ulat ng sa Las Piñas City Police, dakong 9:00 pm nang natagpuan ang duguang bangkay ng lalaki sa loob ng itim na Mitsubishi Montero na may plakang UOA 550, sa Vatican Drive, BFRV, Brgy. Talon Dos sa nasabing lungsod.

Nagulat si Leonardo Ontoy, 45, caretaker ng Espacio sa nasabing lu­gar, nang makita sa loob ng sasakyan ang bangkay kaya agad niyang ipina­alam sa mga awtoridad.

Sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Office (SOCO) team ng Southern Police District (SPD), narekober ang ilang basyo at tingga ng hindi pa ba­tid na kalibre ng baril sa pinangyarihan ng insiden­te, habang nakuha ang per­sonal na gamit ng biktima tulad ng cell­phone at relo.

(JAJA GARCIA)

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …