HINDI naman matigas ang ulo ni Victor Neri. Pero matapos nitong mag-Ang TV noon at nakitaan na ng potensiyal na maging isang mahusay na actor, nang i-manage siya ni Veana Araneta Fores ay ang pagiging actor na ang tinungo ng kanyang career. Hanggang sa nakita ang potensiyal niya sa pagkanta kaya nakapirma rin siya ng kontrata sa Star Records.
But during that time, nahiwatigan ko na bilang publicist niya that there was more than what meets his standards as an actor that Victor wanted to delve in.
Nawala. Nangibang-bansa. Naging Chef. Nagbukas at nagsara rin eventually ng kanyang restaurant.
Past forward to more than a decade. The good actor is back in doing what he loves the most. Acting. Pero may culinary skills pa rin on the side by being a consultant to several restaurants around. Like Gladys Reyes’ Estela.
Nang makausap ko uli at makita ang dating alaga sa premiere ng Hapi ang Buhay The Musical, ang bagong kuwento sa kanya ay ‘yung part na pala siya ng Bomb Squad ng gobyerno.
“Yes, nagde-detonate kami ng bombs. Pero after doon sa Bureau of Immigration baka lumipat na kami ng agency. I trained hard for eight months sa Philippine Coastguard. Mayroon akong lisensiya. I know the risk pero gusto ko ang ginagawa ko. At siguro parte ‘yan ng hinahanap kong purpose sa buhay ko.”
Ang purpose na nakita naman niya nang mapunta siya sa INC (Iglesia ni Cristo).
“May nag-invite sa akin na pumunta sa isang gathering nila. Puwede naman na hindi ko na balikan. But somehow, mayroon akong nakita na naging komportable ako sa paglalahad nila ng teachings in the Bible. Ayaw ko kasi mangumpisal sa pari. Kasi, wala naman ‘yun sa Biblia. Isa lang ‘yun. Kasi, ‘yung mga tanong ko nasasagot. Mag-iisang taon na.”
At tinanggap niya ang comedy role with Mike Magat and Antonio Aquitania sa Hapi ang Buhay, isang comedy series sa Net25.
“Happy naman din kasi ‘yung gustong ipahayag ni direk Carlo (Ortega Cuevas) at sa nakita kong reactions niyo ngayon, alam ko na nakagawa kami ng isang entertaining na pelikula na may values na maiiwan sa mga manonood.”
Sanay tayo na nakikita si Victor sa mga action scene gaya sa Buy Bust. Parang breather ang ginawa niya sa Hapi ang Buhay.
“’Yun na rin ‘yung sinasabi ko na sa paghanap ko ngayon sa purpose ko sa buhay, isa na ‘yung nagagawa ko kung ano ang gusto kong gawin. Na hindi na idinidikta sa akin. ‘Yun nga. Ang maging komportable ako at nakikita ko ang kabuluhan ng mga ginagawa ko.”
Ang panganay pala niyang si Vito ang nakatakdang sumunod sa kanyang yapak. At siya ang manager nito.
“Tinanong ko siya kung maging celebrity ba o actor ang gusto niya? Kung celebrity na pakanta-kanta lang, hindi ko siya masasamahan doon. Kung actor, marami akong maise-share.”
His bunso is five years old. Huwag na raw naming tanungin ang identity ng nanay ng kanyang mga anak. Basta happy siya na they are with him.
HARD TALK!
ni Pilar Mateo