Friday , November 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

i-ACT bakit ayaw pumunta sa Lawton?

INILUNSAD ang Inter-Agency Council on Traffic (i-ACT) upang pag­sumbungan ng mga motorista o ng mga mamamayan ng mga isyung nakaaapekto sa maayos na daloy ng mga sasakyan sa mga lansangan.

Kabilang sa puwedeng iulat ang traffic violations gaya ng ilegal na paghimpil ng mga sasakyan, mga tributaryong puno ng basura, overloaded na public utility vehicles (PUVs) at kung may nangingikil na traffic enforcers.

Noong ilunsad ito sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) main office sa Makati City, sinabi ni MMDA General Manager Tim Orbos, malayang makapagsusumbong ang publiko sa pamamagitan ng complaint form na may kasamang retrato o video sa “I WILL ACT” portal sa official website na mmda.gov.ph.

Ang i-ACT ay mula sa “I WILL ACT” mula kay Chief Supt. Tony Gardiola ng Highway Patrol Group, isa sa mga miyembro ng i-ACT na kinabibilangan ng Department of Transportation (DOTr), MMDA, Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Land Transportation Office (LTO), at Metro Manila Council, na kinabibilangan ng 17 Metro Manila mayors.

Napakalawak pala ng saklaw nitong i-ACT.

Kung makagaganap nang wasto sa kanilang tungkulin at magiging maayos ang koor-dinasyon, maraming malulutas na suliranin sa pagbabara ng trapiko ng sasak­yan ang i-ACT.

Unang-una, ang traffic obstruction na illegal parking sa Metro Manila.

Huwag na tayong lumayo ng halimbawa. Na­riyan ang Lawton na klarong-klarong naka­sasagabal sa maayos na daloy ng trapiko lalo’t kinukumpuni ang McArthur Bridge at ginagawa ang tulay sa likod ng Bureau of Immigration (BI) kaya’t hindi nadaraanan ngayon ng mga sasakyan ang Muelle del Rio (Riverside).

Ginawang alternatibong daan ang Ma­gallanes Drive mula sa dulo ng Andres Soriano Ave. Ext. (Aduana) hanggang sa dulo ng nagsa­salubong na McArthur Drive at Padre Burgos Drive (sa gilid ng Post Office Bldg.).

Maikli lang ang kalsadang ito, pero nag-iimbudo ang mga sasakyan sa Magallanes Drive sa pagtawid sa P. Burgos Drive (ibaba ng Jones Bridge) patungo sa Post Office dahil barado ng mga sasakyang ilegal na nakaparada (illegal parking) sa Lawton.

Hindi ba nakikita ng i-ACT ‘yan?!

Kung hindi ito iuulat ng traffic agencies sa i-ACT hindi ito masosolusyonan ng MMDA.

Ang tanong, bakit hindi naiuulat ng i-ACT ang illegal parking sa Lawton na malaking obstruction ngayon sa trapiko ng mga sasakyan sa nasabing area, lalo’t dalawang tulay ang ginagawa.

Tanong lang po sa i-ACT, ang function ba ninyo’y ‘virtual’ lang, at hindi mararamdaman sa realidad ng mga motorista, commuters at pedes­trians?

Pakisagot lang po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *