Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sunshine Cruz Cesar Montano Macky Mathay
Sunshine Cruz Cesar Montano Macky Mathay

Sunshine at Macky, may ‘understanding’ na

NAPATAWAD na kaya ni Sunshine Cruz ang dati niyang asawang si Cesar Montano ngayong naibigay na naman sa kanya ng korte ang annulment ng kanilang kasal na kanyang hiningi”, ang tanong.

Ano naman ang kailangang patawarin ni Sunshine kay Cesar? Mukhang mali ang pagkakaintindi ng mga tao sa annulment. Iyang annulment ay hindi kagaya ng divorce, na may mag-asawang nagkaroon ng problema, hindi nagkasundo, nagkabugbugan halimbawa, kaya ipinawalang bisa na ang kanilang kasal. Iyang annulment, ang ibig sabihin ay wala palang bisa ang kanilang kasal sa simula’t simula. Kaya nga ang pinag-uusapan diyan ay kung ano ang problema bago, at habang ikinakasal. May problema ba sa mga panahong iyon?

Ang tama sigurong pinag-uusapan ay kung ano ang kasunod na mangyayari.

Inamin na ni Sunshine na may “understanding” na sila ng manliligaw niyang si Macky Mathay sa loob ng nakaraang dalawang taon na, at mahusay ang kanilang relasyon. Ganoon din naman ang relasyon ni Macky sa mga anak ni Sunshine, at ang relasyon din ni Sunshine sa mga anak din ni Macky. In fact napagsasama na nila ang kanilang mga pamilya kung may mga okasyon.

Pero pareho naman silang nagsabi na hindi pa rin sila nagmamadaling magpakasal. Pareho silang nagsabi na darating sila sa ganoon, “in God’s time”.

Wala pa ring sinasabi si Cesar kung ano naman ang kanyang plano. Maliwanag din naman na puwede na siyang mag-asawang muli dahil nababalita namang may pamilya na rin siyang bago, o kaya manatili na lang munang “binata” at walang asawa sa mga susunod na panahon.

Kung ano man ang mangyayaring kasunod, personal na nila iyon at wala na tayong pakialam. Ang natatapos pa lang naman ay ang annulment ng kanilang kasal. Iyong iba pang usapin sa korte ay wala pa ring resolusyon. Pero siguro naman, ititigil na rin nila iyon after talagang hiwalay na silang legal.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …