Thursday , February 29 2024

Cesar, susunod na isasalang sa Blue Ribbon Committee

POOR Cesar Montano. Sa pagdinig ng umano’y maanomalyang transaksiyon ng DOT at mga Tulfo ay nakatakda imbestigahan si Cesar.

Ang action star ay ang nagbitiw bilang pinuno ng Tourism Promotions Board sa ilalim ng DOT na si Wanda Tulfo-Teo ang dating Kalihim. Rekomendado siya ni Ka Freddie Aguilar.

Sabit naman si Cesar sa Buhay Kariderya project to the tune of millions of pesos din na never namang nagsimula.

Ang humalili kay Wanda na si Bernadette Romulo-Puyat ang siyang kumuwestiyon sa nasabing proyekto. Itinuro naman ni Cesar si Wanda na boss niya.

For the record, hindi sinipa si Cesar kundi kusang nagbitiw. Sinadya niya umano si PDu30 sa Malacanang, sinabihang boluntaryong mag-resign.

Balitang “sinabon” (nakatikim ng mura?) ng Pangulo si Cesar na mangiyak-ngiyak daw na humarap sa isang galit na Pangulo.

It’s interesting to note na sala-salabat ang konek ni Cesar sa isa sa mga Tulfo brothers na si Erwin. Ang isang anak ni Buboy (palayaw ni Cesar) at anak ni Erwin ay magkabarkada.

By some twist of fate, ‘ika nga, ang mga tatay naman ay lulan ng iisang “bangka.”

Habang sinusulat namin ito’y hindi pa naisasalang si Cesar sa bubusisiing Senate probe sa ilalim ng Blue Ribbon committee.

Pero harinawa’y huwag daanin ni Cesar sa puro emote ang kanyang depensa dahil lang sa katotohanang isa siyang mahusay na aktor.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Diego Loyzaga Boy Abunda

Diego nagpa-rehab: I was very, very, depressed, I was in the brink of suicidal

RATED Rni Rommel Gonzales GUSTO naming palakpakan si Diego Loyzaga. Napakatapang kasi niyang isinawalat ang tungkol …

Edgar Allan EA Guzman Shaira Diaz

EA inaming iniyakan, 11 taong relasyon kay Shaira ng walang sex

RATED Rni Rommel Gonzales NASA cloud nine si Edgar “EA” Guzman nang sagutin ang tanong namin tungkol …

Donny Pangilinan Belle Mariano Donbelle Bibe Hair

DonBelle pinagkaguluhan nang bumili ng bibe hair clip sa Binondo

MA at PAni Rommel Placente VIRAL ang video nina Donny Pangilinan at Belle Mariano na namimili ng usong-uso ngayong …

Sheryl Cruz Analyn Barro Jo Berry

Sheryl at Annalyn nag-sorry bago saktan si Jo Berry

I-FLEXni Jun Nardo BAGO pa man saktan ng Kapuso artist na si Annalyn Barro si little persona  Jo …

Luis Manzano Jessy Mendiola Vilma Santos Ralph Recto Edu Manzano

Ate Vi, Ricky Lee binigyang pagkilala ng CCP at St. Paul-QC

I-FLEXni Jun Nardo HINANGAAN ang blended family nina Vilma Santos-Recto, asawang Sen. Ralph Recto, at anak na si Christian kasama …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *