Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Pateros VM mahilig mambugbog ng asawa?

DAPAT magising ang mga residente sa Pateros sa asal ng kanilang bise alkalde na si Gerald German.

Totoong bata pa itong si Vice Mayor, pero hindi iyon rason para pisikal na manakit ng kapwa lalo na ng kanyang misis.

Ano ba ang tingin ni VM German sa misis niya, punching bag?

Aba dapat pala kay VM ay gawing sparring partner ni Senator Manny Pacquiao sa kanyang ensayo para sa mga nalalapit niyang laban sa boksing.

Diyan patunayan ni VM German kung gaano katibay ang kanyang mga kamao.

Kung hindi tayo nagkakamali, nakahoyo ngayon si VM German sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 (Anti-Violence Against Women and their Children Act).

Halos mapuno umano ng mga galos, pasa sa mukha at braso si Madam Maam, dahil sa pambubugbog ng kanyang mister na bise alkalde.

Dapat ay hindi nabibigyan ng puwang sa politika ang mga lalaking mahilig manakit lalo na ng kanilang misis.

Hindi sila magandang ehemplo sa kanilang constituents.

Masyado sigurong nama-macho-han si VM German sa sarili niya dahil ang kanyang mga sanggang-dikit ay kilala ring politiko sa kapit-bayan nilang Taguig.

Sa palagay natin, hindi naman papayag ang kaalyado o kaibigan niyang si Rep. Arnel Cerafica ng Taguig District 1, na planong tumakbong Mayor sa Taguig, sa ganitong asal ni Pateros VM German.

For sure, ayaw ni Cong. Cerafica na naa-identify siya sa kapwa lingkod-bayan na nana­nakit ng asawa.

Pero matagal na pala silang magkakaalyado kahit noong panahon pa ng mga Tinga na dating namumuno sa Taguig.

Ilang beses na rin naiugnay sa hindi magan­dang gawain ang ibang kaanak ni ex-Mayor Tinga, sana naman ay hindi kabilang dito si Pateros VM German.

Isang paboritong linya ang madalas nating marinig sa pingkian ng mga baso at umpugan ng mga bote na nais nating ibahagi kay VM German: “Ang babae ay minamahal hindi sinasaktan.”

DREW OLIVAR
NUMERO UNONG
‘DESTABILIZER’
NI TATAY DIGONG

PABOR tayo kung sasampahan ng kaso ni NCRPO chief, DG Guillermo Eleazar ang alalay ni PCOO Assistant Secretary Mocha Uson na nagpapakilalang blogger na si Drew Olivar dahil sa ‘bomb joke.’

Mukha kasing masyadong humahaba ang ‘sungay’ nitong alalay ni ASec. Mocha, na hindi natin maintindihan kung bakit hindi kayang disiplinahin ng PCOO official?!

‘Stress reliever’ siguro ni ASec. Mocha ang nakaiiritang ‘kind of joke’ ng kanyang ‘julalay na syokla.’ Nakatatawa ba ang pinaggagagawa ng blogger mo ASec. Mocha?! E numero unong destabilizer ngayon ni Tatay Digong ang blogger mo. Baka ikaw lang ang naaaliw sa mga pinag­gagagawa niya kasi mind-level kayo?!

Kaya kung sasampahan ng kaso ni DG Eleazar si ‘dyokling’ e pabor na pabor tayo para magtanda na siya sa pinaggagawa niya.

Tama na please, nakasusuka na kayong mag-amo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …

Firing Line Robert Roque

State witness daw — e kalokohan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUSUBUKAN kong kahit sandali lang na isantabi ang pagiging …

Dragon Lady Amor Virata

Pinoy walang disiplina sa pagtatapon ng basura

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAHIGPIT na ngayon ang pagpapatupad ng aprobadong ordinansa ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Romualdez, may front ba sa pagbili ng ari-arian sa Makati City?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SINO ang umano’y nagsilbing dummy ni dating House Speaker Martin Romualdez …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag sumunod ka sa batas, may kaso ka… kapag hindi, kakasuhan ka rin!

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMING beses nang nangyari sa bansa na nakakasuhan ang ilang mga …