Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Stab saksak dead

Med rep pinatay sa saksak (Nobyo kausap sa mobile phone)

CAINTA, Rizal – PATAY ang isang lady medical represen­tantive sa kaniyang bahay sa bayang ito sa sampung beses na saksak ng hindi kilalang suspek habang kausap umano ang kaniyang nobyo sa telepono.

Kinilala ang biktimang si Maria Kathrina Nakpil, 25 anyos.

Ayon sa kasintahan, galing siya sa isang coffee shop sa Marcos Highway nitong Biyernes at kausap sa telepono ang biktima nang marinig na tila may umaatake kay Nakpil, ayon sa pulisya.

Bumalik umano sa Cainta ang lalaki upang tiyaking ligtas si Nakpil, ngunit nakita niyang duguan at nakahandusay ang biktima nang silipin mula sa bintana ng bahay.

May tatlong persons of interest sa pananaksak, ayon sa hepe ng Cainta police na si Supt. Pablito Naganag.

Kinompirma ni Supt. Naganag na walang forced entry sa crime scene.

Habang sinabi ng mga kaa­nak na walang kaaway si Nakpil.

“‘Pag may nang-aaway diyan kasi, ‘di ‘yan lumalaban. Napakabait ng kapatid ko po. Di ‘yan nananakit o kahit na ano. Nagsasabi ‘yan sa ‘kin kung mayroon siyang problema,” sabi ng kapatid niyang si Maria Louella.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …