Sunday , December 22 2024
Mocha Uson Drew Olivar
Mocha Uson Drew Olivar

Mocha, blogger dapat managot sa ilalim ng R.A. 9442 (Magna Carta for Disabled Persons)

MUKHANG dapat nang ipagpag ni PCOO Assistant Secretary Mocha Uson ang mga taong hindi nakatutulong sa kanyang pagtupad ng tungkulin bilang opisyal ng gobyerno.

Pero bago ‘yan, mukhang kailangan muna nilang harapin ang consequences ng kanilang paglabag sa Republic Act 9442 (Magna Carta for Disabled Persons and for other Purposes).

Huwag na nating pangalanan ang baklang mukhang wala sa tamang pag-iisip (pasintabi sa LGBTs) na muli na namang isinalto si ASec. Mocha. Kung dati ay dahil sa kanyang bastos at walang kawawaang ‘pepe-dede-ralismo’ na pambababoy sa kababaihan, ngayon naman ay tila pambabastos sa mga kababayan nating pipi at bingi.

Kung nakaligtas noon sa ‘pepe-dede-ralismo’ si Asec. Mocha at ang kanyang ‘baklang julalay’ dahil inabsuwelto sila ni Tatay Digong, sa pag­kakataong ito dapat silang papanagutin sa batas upang matuto sa kanilang pagiging ignoramus.

Klarong-klaro sa ilalim ng RA 9442, Chapter 1 (Deliverance From Public Ridicule) Sec. 39. Public Ridicule – For purposes of this chapter, public ridicule shall be defines as an act of making fun or contemptuous imitating or making mockery of persons with disability whether in writing, or in words, or in action due to their impairment/s.

Sa Sec. 40. No individual, group or community shall execute any of these acts of ridicule against persons with disability in any time and place which could intimidate or result in loss of self-esteem of the latter.

Batay naman sa Section 46 Penal Clause, sinasabing ang mga lalabag rito ay maaaring pagmultahin mula P50,000 hanggang P200,000 at makukulong mula anim na buwan hanggang dalawang taon.

Dahil si ASec. Mocha ay isang government official maaari pa siyang maharap sa iba pang kasong administratibo.

‘Yan ang implikasyon ng ginawang pam­babastos at panlalait ng baklang alalay ni ASec. Mocha sa mga pipi at bingi. Ang siste, hindi sina­way ni Mocha kundi ginawa pa niyang katata­wanan.

Ang hindi natin maintindihan, bakit laging nasusuot sa ganitong situwasyon si ASec. Mocha?! Masyadong nasasayang ang mga oportunidad na nasa kanyang kamay bilang opisyal ng gobyerno dahil sa ganitong mga situwasyon na hindi iilang beses nangyari.

Hindi kaya naiintinidihan ni ASec. Mocha na mayroon siyang accountability bilang opisyal ng gobyerno? Sabi nga niya mayroon siyang mahigit limang milyong followers sa social media. Hindi ba siya nanghihinayang na hindi tamang bagay ang naituturo niya sa kanyang followers?! Hindi ba dapat na maging mabuti siyang ehemplo?!

Sabi nga ng ilang kahuntahan natin, mukhang kailangan ni ASec. Mocha ng professional help. Hindi pa naman siguro neurologist, baka puwe­deng  psychologist muna. Para malaman kung bakit nakagagawa siya ng mga ganyang bagay. Baka siya talaga ang kailangan nating tulungan.

Pagkatapos kapag nakagawa nang ganyang mga kabulastogan, biglang magso-sorry. Pero makalipas lang ang ilang linggo o buwan, ‘yan na naman…

Mukhang ‘bad influence’ ang mga naka­paligid kay ASec. Mocha o ilan sa kanyang asosasyon ay hindi nakatutulong sa kanya.

Mas mabuti sigurong dumistansiya muna siya kung sino man ang madalas niyang kaaso­sasyon at magnilay-nilay para matuto niyang pahalagahan ang ‘suwerteng’ dumapo sa kanya habang hindi pa napupuno sa kanya si Tatay Digong.

Puwede ba ‘yun ASec. Mocha?!

For the meantime, abangan natin kung anong aksiyon ang gagawin ng mga organi­sasyon ng mga pipi at bingi (PWDs) sa ating bansa laban sa kabastusan nilang dalawa ng kanyang baklang alalay.

‘Yun lang.


Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com


BULABUGIN
ni Jerry Yap


Estratehiyang ‘vice mayor lahat’ pasok kay Erap
Estratehiyang ‘vice mayor lahat’ pasok kay Erap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *