Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Mocha, blogger dapat managot sa ilalim ng R.A. 9442 (Magna Carta for Disabled Persons)

MUKHANG dapat nang ipagpag ni PCOO Assistant Secretary Mocha Uson ang mga taong hindi nakatutulong sa kanyang pagtupad ng tungkulin bilang opisyal ng gobyerno.

Pero bago ‘yan, mukhang kailangan muna nilang harapin ang consequences ng kanilang paglabag sa Republic Act 9442 (Magna Carta for Disabled Persons and for other Purposes).

Huwag na nating pangalanan ang baklang mukhang wala sa tamang pag-iisip (pasintabi sa LGBTs) na muli na namang isinalto si ASec. Mocha. Kung dati ay dahil sa kanyang bastos at walang kawawaang ‘pepe-dede-ralismo’ na pambababoy sa kababaihan, ngayon naman ay tila pambabastos sa mga kababayan nating pipi at bingi.

Kung nakaligtas noon sa ‘pepe-dede-ralismo’ si Asec. Mocha at ang kanyang ‘baklang julalay’ dahil inabsuwelto sila ni Tatay Digong, sa pag­kakataong ito dapat silang papanagutin sa batas upang matuto sa kanilang pagiging ignoramus.

Klarong-klaro sa ilalim ng RA 9442, Chapter 1 (Deliverance From Public Ridicule) Sec. 39. Public Ridicule – For purposes of this chapter, public ridicule shall be defines as an act of making fun or contemptuous imitating or making mockery of persons with disability whether in writing, or in words, or in action due to their impairment/s.

Sa Sec. 40. No individual, group or community shall execute any of these acts of ridicule against persons with disability in any time and place which could intimidate or result in loss of self-esteem of the latter.

Batay naman sa Section 46 Penal Clause, sinasabing ang mga lalabag rito ay maaaring pagmultahin mula P50,000 hanggang P200,000 at makukulong mula anim na buwan hanggang dalawang taon.

Dahil si ASec. Mocha ay isang government official maaari pa siyang maharap sa iba pang kasong administratibo.

‘Yan ang implikasyon ng ginawang pam­babastos at panlalait ng baklang alalay ni ASec. Mocha sa mga pipi at bingi. Ang siste, hindi sina­way ni Mocha kundi ginawa pa niyang katata­wanan.

Ang hindi natin maintindihan, bakit laging nasusuot sa ganitong situwasyon si ASec. Mocha?! Masyadong nasasayang ang mga oportunidad na nasa kanyang kamay bilang opisyal ng gobyerno dahil sa ganitong mga situwasyon na hindi iilang beses nangyari.

Hindi kaya naiintinidihan ni ASec. Mocha na mayroon siyang accountability bilang opisyal ng gobyerno? Sabi nga niya mayroon siyang mahigit limang milyong followers sa social media. Hindi ba siya nanghihinayang na hindi tamang bagay ang naituturo niya sa kanyang followers?! Hindi ba dapat na maging mabuti siyang ehemplo?!

Sabi nga ng ilang kahuntahan natin, mukhang kailangan ni ASec. Mocha ng professional help. Hindi pa naman siguro neurologist, baka puwe­deng  psychologist muna. Para malaman kung bakit nakagagawa siya ng mga ganyang bagay. Baka siya talaga ang kailangan nating tulungan.

Pagkatapos kapag nakagawa nang ganyang mga kabulastogan, biglang magso-sorry. Pero makalipas lang ang ilang linggo o buwan, ‘yan na naman…

Mukhang ‘bad influence’ ang mga naka­paligid kay ASec. Mocha o ilan sa kanyang asosasyon ay hindi nakatutulong sa kanya.

Mas mabuti sigurong dumistansiya muna siya kung sino man ang madalas niyang kaaso­sasyon at magnilay-nilay para matuto niyang pahalagahan ang ‘suwerteng’ dumapo sa kanya habang hindi pa napupuno sa kanya si Tatay Digong.

Puwede ba ‘yun ASec. Mocha?!

For the meantime, abangan natin kung anong aksiyon ang gagawin ng mga organi­sasyon ng mga pipi at bingi (PWDs) sa ating bansa laban sa kabastusan nilang dalawa ng kanyang baklang alalay.

‘Yun lang.

ESTRATEHIYANG
‘VICE MAYOR LAHAT’
PASOK KAY ERAP

HINAHAMIG ba lahat ni Mayor Erap Estrada ang mga tatakbong vice mayor sa Maynila?!

O ang pangalan niya ang ginagamit ng mga naghahangad na maging vice mayor?!

Sa District VI at District IV, nagkalat ang tar­paulin nina Mayor Erap kasama si Sandy Ocampo.

Sa District V, kitang-kita ang napakalaking tarpaulin ng atsing ‘este Bagatsing-Erap tan­dem.

Habang sa Tondo area ay Carlo Lopez-Erap tandem naman.

E sino ba talaga, Mayor Erap ang iyong tandem?

Pero sabi ng ilang beteranong politiko, nagsisiguro si Erap, kasi ‘yung tatlong ‘vice mayors’ may kanya-kanyang boto at hatak.

Kanya-kanyang boto sa vice mayors pero lahat ng boto pasok pa rin sa kanya bilang mayor.

Wais si Erap!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *