Tuesday , November 5 2024
Dwyane Wade
Dwyane Wade

Wade, isang taon pa sa Miami

HULING ratsada na ng alamat na si Dwyane Wade sa National Basketball Association matapos ianunsiyo na babalik siya sa Miami Heat ngayong taon bago isabit nang tuluyan ang kanyang #3 jersey.

Apat na buwan pinag-isipan ng 36-anyos na si Wade kung magreretiro na ba siya bago humantong sa desisyong bigyan pa ng isa at huling pagkakataon ang kanyang karera sa pinakamamahal niyang koponan.

Mula nang makuha ng Heat bilang 5th pick sa 2003 NBA Draft, ito na ang magiging ika-16 at huling taon ng Marquette standout na si Wade.

Inaasahang pipirma si Wade ng US$2.4 milyong kontrata ngayong linggo para sa isang taon sa Miami, na ginugol niya halos ang kanyang buong karera.

Labing tatlo at kalahating taon naglaro si Wade sa Heat na siya ay nagrehistro ng 22.3 career average. Nag-kampeon din siya kasama ang koponan noong 2006, 2012 at 2013 sahog ang Finals MVP noong 2006 nang taulin ng Miami ang Dallas.

Bukod sa Heat, naglaro rin si Wade nang isang taon sa Chicago mula 2016 hanggang 2017 at sinamahan din ang matalik na kaibigan na si LeBron James nang saglitan sa Cleveland bago bumalik sa Miami noong nakaraang taon.

Mula sa bench, nagrehistro siya ng 12.9 puntos noong nakaraang taon para sa Heat na nagtapos sa ikaanim na puwesto sa Eastern Conference hawak ang 44-38 kartada.

John Bryan Ulanday

 

About John Bryan Ulanday

Check Also

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …

Anton Ignacio, World Jetski Champion

Anton Ignacio, World Jetski Champion

NAMAYAGPAG ang 18 anyos na si Anton Ignacio nang angkinin ang titulo ng prestihiyosong SBT-International …

Milo Gatherings of Champions

PSC, POC, DepEd pinarangalan sa Gatherings of Champions

TAPAT sa kanyang pangako sa pagbuo ng isang bayan ng mga kampeon, ipinagdiwang ng MILO® …

Ricielle Maleeka Melencio Go Full Speedo

Melencio nanguna sa MOS awardees ng PAI-Speedo Swim Series 2

NANGIBABAW si Ricielle Maleeka Melencio sa dalawa pang event para dalhin ang kanyang kabuuang gintong …

Nicola Queen Diamante

Diamante, Melencio, Evangelista namuno sa ‘Go Full Speedo’ Swim Series 2

NATAMO ni Nicola Queen Diamante ang gintong medalya sa 50-meter butterfly sa girls’ 14 years …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *