Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal FGO Fely Guy Ong

Balanse ng init at lamig sa katawan ng tao

HEALING comes from the heart. Illness could be cured by the affected people itself … kasi siya ang nakakikilala sa kanyang katawan. Alam niya kung ano ang gusto at ayaw ng kanyang kata­wan.

Sa halos ilang dekadang karanasan ng inyong lingkod sa panggagamot, dalawang bagay ang hindi kayang pasubalian kahit ng siyensiya. Ang pagbabalanse ng init at lamig sa ating katawan.

Walang patterned medicine para sa kahit anong uri ng sakit. Ang isang uri ng sakit ay magagamot kung alam ng pasyente at ng manggagamot kung ano ang pinagmulan ng sakit. Otherwise, hindi ito tuluyang gagaling. Magiging pabalik-balik lang hanggang sa lumala.

Sa aking karanasan, ang unang pinagmu­mulan ng sakit ng tao ay mula sa kanyang ‘pag­kain’ mismo. Tandaan: ano mang labis at kulang ay maaaring pagmulan ng “imbalance” ng init at lamig sa aloob ng ating katawan.

Ang mga pagkaing matatamis, maaalat, maaanghang, niluto sa mantika, inihaw at malulu­tong ay ‘init’ ang ibinibigay sa ating katawan.

Ang maaasim at mapapait naman ay nagbi­bigay ng lamig sa loob ng katawan.

Kung labis ang pagkain ng unang nabanggit, siyempre laging mainit ang inyong pakiramdam at maapektohan nang labis na init ang mga internal organs gaya ng kidney, lapay, atay maging ang puso.

Gayondin naman kung laging nasa grupo ng malalamig ang kinakain.

Dapat tandaan na ang pagkain ay dapat na ibinabagay sa inyong kapaligiran at trabaho, upang laging balance ang ‘init at lamig’ sa inyong katawan.

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa  telepono bilang (02) 853-09-17 o  852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

Back to Basic
NATURE’s HEALING
ni Fely Guy Ong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …

121225 Hataw Frontpage

Ex-DPWH executives, Curlee Discaya magpa-pasko’t bagong taon sa senado

ni Niño Aclan MANANATILI sa detensiyon ng Senado ang mga dating opisyal ng Department of …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …