Saturday , November 16 2024

Metro Manila, 37 areas signal no. 1 kay Ompong

ITINAAS ng State weather bureau PAGASA ang Tropical Cyclone Warning Signal No. 1 sa Metro Ma­nila at 37 iba pang mga erya habang bumilis ang bagyong Ompong at nag­bago ng direksiyon nitong Huwebes ng hapon.

Sa 5:00 pm advisory kahapon, sinabi ng PAGASA, si Ompong ay huling namataan sa 575 kilometers east northeast ng Virac, Catanduanes.

Ito ay patuloy na may lakas ng hangin hanggang 205 kms per hour (kph) at pagbugsong hanggang 255 kph.

Ang bagyong Om­pong ay inaasahang babagsak sa lupa sa Cagayan-Isabela area sa Sabado ng umaga kapag nagpatuloy sa pagkilos nang west-northwest sa bilis na 25 kph, ayon sa PAGASA.

Ang Signal No. 1 ay itinaas sa mahigit 38 areas sa northern, central, at southern Luzon at gayon­din sa northern Visayas habang ang itinuturing na powerful typhoon, na 900-km ang diametro, ay inaasahang palalakasin din ang southwest mon­soon.

Ang sumusunod na area ay nasa Signa. No. 1: Batanes, Cagayan kabi­lang ang Babuyan group of Islands, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Pro­vince, Ifugao, Isabela, Benguet, Pangasinan, La Union, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Quirino, Nue­va Vizcaya, Aurora, Pam­panga, Bataan, Zam­bales, Tarlac, Nueva Ecija, Bulacan, Rizal, Metro Manila, Cavite, Batangas, Laguna, Que­zon kabilang ang Polillo Island, Northern Occiden­tal Mindoro, Northern Oriental Mindo­ro, Mas­bate, Camarines Norte, Camarines Sur, Catan­duanes, Albay, Sorsogon, Burias and Ticao i­s­land, at Northern Samar,

Sinabi ni PAGASA weather forecaster Gener Quitlong, ang mga erya sa ilalim ng typhoon warning signal ay may lead time na 36 oras para maka­paghanda.

“Ibig lang sabihin nun paparating po ang bagyo, nasa radius po kayo, maghanda po kayo,” pahayag ni Quitlong.

Samantala, ang Pala­wan, Zamboanga Penin­sula at Visayas ay inaa­sahang makararanas ng katamtaman hanggang malakas na buhos na ulan dulot ng southwest mon­soon.

Nauna rito, nagbaba­la ang PAGASA na ang bagyo ay magdudulot ng storm surges ng hanggang anim metro sa baybayin ng Cagayan, Isabela at Ilocos Sur habang pababa ang bagyo sa kalupaan.

Inaasahang lalabas ng Philippine area of res­ponsibility ang bagyong Ompong sa Linggo ng umaga.

HATAW News Team

Sa pantalan
sa Bicol,
E. Visayas
840 STRANDED
KAY OMPONG

UMABOT sa 840 ang stranded sa mga pantalan sa Bicol at Eastern Visa­yas regions dahil sa nakanselang mga biyahe dulot nang inaasahang paghagupit ng Bagyong Ompong, ayon sa Philippine Coast Guard, nitong Huwebes.

Mula sa kabuuan, tinatayang 580 ang nasa mga pantalan ng Bicol habang ang natitira ay nasa Eastern Visayas, ayon kay PCG spokes­person Armand Balilo.

Kanselado na aniya simula kahapon tanghali ang mga biyahe sa laot mula sa mga port sa Cebu at Bohol.

MUNTI LGU
LAGING HANDA
SA EPEKTO
NG BAGYO

PALAGING alerto sa paghahanda ang lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Muntinlupa sa mga panahong may darating na kalamidad gaya ng sinasabing super typhoon “Ompong” na maaaring humagupit sa bansa.

Ang pagmo-monitor ng tanggapan ng DRRMO at Social Services Depat­rment at iba pang tangga­pan ng lokal na pamaha­laan ay alinsunod sa tagubilin ni Mayor Jaime Fresnedi upang agad matulungan ang mga residente sakali mang maapektohan ng bagyo ang kanilang lugar.

Ayon kay City Administrator Engr. Allan Cachuela, bagama’t nitong nagdaang mga bagyo o pag-ulan na dulot ng habagat ay halos wala nang pagbaha sa mga barangay at ilan lamang pamilya ang iniulat na lumikas.

Ito ay dahil naluna­san na ng lokal na pamahalaan ang mga problema sa baradong dranage at ang patuloy na infrastructure projects at ang pagbili ng mga bagong sasakyan para sa mabilis na mobilisasyon na iparating ang serbisyo sa mga Muntinlupeños.

Samantala, sinus­pende ni Fresnedi ang klase sa 14 Setyembre (Biyernes) at 15 Set­yembre (Sabado) sa lahat ng antas, public at pri­vate schools dahil sa bagyong Ompong.

Panalangin ng alkalde na maging ligtas ang Filipinas, lalong-lalo na ang Munti.

(MANNY ALCALA)

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *