IPINAGMAMALAKI ni Alex Gonzaga si Fifth Solomon.
Katunayan, open ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga sa pagsasabi kung gaano siya bumilib sa galing ng baguhang writer/director.
Nagkasama sina Alex at Fifth sa Pinoy Big Brother at simula noo’y naging magkaibigan na ang dalawa kaya hindi nakapagtataka kung si Alex ang ginawang bida at unang nakaalam sa kagustuhang makapagdirehe ni Fifth. Ito’y sa pamamagitan ng pelikulang Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka na mapapanood na sa September 19 handog ng Wilbros Films.
Nakapagbiro pa nga si Alex na naging crush niya si Fifth. ”’Pag nakikita mo kasi si Fifth seryoso siya. Hindi mo aakalain na magagawa niya ‘yun (pagdidirehe) sobrang unexpected.”
Hirit pa ni Alex sa mediacon ng NKNKK na ginawa sa Novotel ”Humahanga ako sa kanya kasi grabe ang talento na mayroon siya. Sana po eh, ma-witness n’yo lahat at mapanood ninyo.”
Ani Alex, na pinakamasayang parte habang ginawa nila ang pelikula ay ang paggawa niyon. ”Kasi ang makakatrabaho ko eh si Fifth at alam ko ito talaga rati pa kino-conceptualize pa lang niya nag-uusap kami sa dining table namin sa Taytay nandoon na ako naririnig ko na.
“So nakikita ko na nagdidirehe siya lagi. Kasi kasama ko siya lagi patawa siya ng patawa. So, nakita ko sa set na talagang game siya talagang ibinibigay niya lahat.”
Labinlimang araw natapos ni Fifth ang pelikula na kinunan nila sa Manila, Bataan at sa iba pang lugar.
First directorial job ito ni Fifth at aminado siyang naka-vertigo habang ginagawa. ”Sumasakit ang ulo ko araw-araw kaya bumili nga ako ng isang banig ng Biogesic,” biro nito.
At kahit nagka-vertigo, satisfy naman si Fifth sa kinalabasan. ”Masaya siya (pagdidirehe) at okey lang ang pagod kasi gusto mo ‘yung ginagawa mo.”
Aminado naman si Fifth na pressured siya sa magiging resulta ng pelikula. ”Siyempre kailangan kumita tayo para maging happy sila (Wilbros, ang prodyuser) at ako na rin.”
Aminado naman si Fifth na gusto niyang ituloy-tuloy ang pagdidirehe, pero, ”Gusto ko pa ring umarte sa harap ng kamera pero siyempre magpo-focus lang ako sa directing ngayon at pgsusulat kasi mas malaki ang pera ha haha.
“Pero, mahal ko kasi ang ginagawa ko. ‘Pag nag-shoot ka tapos kapag nakita mo ‘yung isinulat mo, ‘yung idinirehe mo ang sarap-sarap sa feeling na makapag-ambag ng kuwento sa ibang tao.
“Ang sarap ng feeling na makapagbigay ng mga kuwento na bago sa mga viewer.”
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio