Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Roxanne Barcelo Meg Imperial Kylie Verzosa Nathalie Hart Cristine Reyes Abay Babes
Roxanne Barcelo Meg Imperial Kylie Verzosa Nathalie Hart Cristine Reyes Abay Babes

Kylie, may gustong patunayan

TIYAK na mabubusog ang mata ng mga manonood sa pinagsama-samang kagandahan, kaseksihan, at kalokohan nina Roxanne Barcelo, Meg Imperial, Kylie Verzosa, Nathalie Hart, at Cristine Reyes sa pinakabagong pelikulang handog ng VIVA FilmsAbay Babes na mapapanood na sa Setyembre 19.  

Magkakaibigan at magkakaklase sa high school ang lima na muling nagkita-kita para sa kasal ng isa.

Ginagampanan ni Nathalie ang papel ni Emerald na sinasabing pinaka-hot sa grupo.  Si Ruby naman si Cristine, ang class topnotcher at ngayo’y isa nang doctor.

Ibinahagi ni Cristine sa isang panayam na nag-enjoy siyang makipag-jamming sa kanyang mga co-star sa tuwing breaktime sa shooting.

Si Perla naman ang 2016 Miss International, si Kylie na itong pelikulang ito ang first leading role niya.  Kaya naman aniya, kanya, ”I have this desire to be really good at something.  I want to be good at acting, not being an artista.”

Si Goldie, ang class clown sa pelikula ay ni Roxanne, ang pinakamatatag sa kanila.   Kaya kung katatagan ang pag-uusapan, tiyak nasa honor roll si Roxanne dahil sa kanyang staying power sa mundo ng showbiz. ‘Di naman ito nakapagtataka dahil punumpuno ng talento si Roxanne na liban sa acting ay mahusay din sa hosting at singing.

Si Jade, ang videographer na ginagampanan ni Meg.  Sa isang IG post ng dalaga, sinabi niyang, ”Once you become fearless, life becomes limitless.”  At dahil walang takot si Meg na gampanan ang mga karakter na ibinibigay sa kanya, sunod-sunod din ang mga project na dumarating sa kanya sa TV man o sa pelikula.

Kasama rin sa Abay Babes sina Tom Rodriguez, Marco Gumabao, Mark Bautista, Candy Pangilinan at marami pang iba.  Mula sa direksiyon ni Don Cuaresma.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


Jolo, na-pressure sa paggawa ng action movie
Jolo, na-pressure sa paggawa ng action movie
Cardo Dalisay at Victor Magtanggol, may kakampi sa pagliligtas sa mga naaapi
Cardo Dalisay at Victor Magtanggol, may kakampi sa pagliligtas sa mga naaapi
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …