HINDI pa nakakalahating taon sa kanyang puwesto bilang Secretary ng Department of Toursim si Ma’m Berna Romulo – Puyat pero marami nang magagandang proyekto sa DOT at sa ganda ng image ni Secretary Berna ay mas uusbong pa ang turismo sa ating bansa.
Inaabangan na nga ang nalalapit na pagbubukas ng Boracay, at ina-assure ni Sec. Berna na mas kagigiliwan ng mga turistang foreigner ang bagong mukha ng Bora. Marami nga pala ang bumabati sa magandang secretary sa maayos at walang anomalyang pamumuno ngayon sa DOT since maupo sa kanyang pwesto. ‘Yan naman talaga kasi ang goal ng Duterte government ang matigil na ang korupsiyon sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.
Para kay Sec. Berna, sa kanyang termino sa DOT, hindi niya hahayaan na maulit uli nangyaring anomalya rito.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma