Sunday , December 22 2024
Yeng Guiao
Yeng Guiao

Guiao alanganin pa sa NT head coaching job

PAGTAKBO sa Kongreso o pagtanggap ng posisyon bilang permanenteng head coach ng national team?

Iyan ngayon ang mabigat na desisyong kailangang pagpilian ni Guiao sa oras na pormal na mabigyan ng alok ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na manatili sa pambansang kopo­nan.

Sa ngayon, pansamantala pa lang ang posisyon ni Guiao bilang kapalit ng orihinal na punong-gabay na si Chot Reyes na nakatakdang magsilbi ng isang larong suspensiyon sa pagsisimula ng ikalawang round ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa susunod na linggo.

“It will affect ‘yung pre­vious plans na I feel, importante rin sa career at buhay din natin,” sagot ni Guiao sa naturang posibilidad na malagay bilang permanenteng head coach ng pambansang koponan.

Noong nakaraang Linggo ng gabi, inamin ni SBP chairman emeritus at national team pa­tron na si Manny V. Pangilinan na tinitingnan ng SBP na ilagay na si Guiao sa naturang national team program kapalit ni Reyes matapos ang kanyang magan­dang performance sa 18th Asian Games.

“Kasi I’m running for Congress. October is the filing for certificate of candidacy so once I file, I have to work there also. Kailangan ko rin mag­trabaho roon,” paglilinaw ni Guiao na dating kinatawan ng first district ng Pampanga.

Kasalukuyang nagsisilbi bilang head coach ng NLEX sa PBA si Guiao at pangarap din sa­nang magabayan ang natio­nal team katulad ng kahit sinong coach sa bansa.

“Any coach would love the position of national coach. ‘Yan ang pangarap ng lahat ng coaches and I’m one of them. Kung hindi lang na-set ‘yung mga ibang plano, I’ll grab that,” dagdag niya.

Sa ngayon, pananatilihin ni Guiao na bukas ang kanyang kampo sa anomang posibilidad ngunit idiniin na saka na siya tatawid sa tulay kung naalok na nang tuluyan ang naturang posisyon mula sa SBP.

“Hindi naman mangga­galing sa akin so I cannot really answer that question catego­rically. If SBP wants to make that announcement, I think they will in time. If there is anything official, it will have to come from them,” paliwanag ni Guiao.

“All I can say is for sure I’ll be handling this window. ‘Yung mga susunod after the 17th, after the Qatar game, it’s SBP that will make the announce­ment.”

Kasalukuyang nasa araw-araw na ensayo ang pamban­sang koponan bago ang pag-alis nila patungong Iran sa 10 Setyembre.

Dadalhin ng Filipinas ang 4-2 kartada sa first round sa krusyal na second round kontra sa Iran sa 13 Setyembre at sa Qatar sa 17 Setyembre.

ni John Bryan Ulanday

About John Bryan Ulanday

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *