Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathniel Daniel Padilla Kathryn Bernardo The Hows Of Us
Kathniel Daniel Padilla Kathryn Bernardo The Hows Of Us

Daniel at Kathryn, ‘di pinabayaan ng fans

WALA talagang makakatinag na loveteam nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Sila talaga ang pinakasikat at nangungunang loveteam ng bansa.

Ang latest  movie nilang The Hows Of Us mula sa Star Cinema na idinirehe ni Cathy Garcia Molina, ay kumita ng mahigit P35-M sa unang araw pa lang. At noong August 31, sa ikatlong araw nito sa mga sinehan, ay kumita ng P116-M. Grabe na ‘to, ‘di ba?

Sa mga susunod na mga araw, siguradong mas lalong lalaki ang kikitain ng pelikula. Hindi talaga pinababayaan ng kanilang mga fan ang KathNiel, lagi nilang sinusuportahan ang bawat proyekto na ginagawa ng dalawa.

Pero hindi lang naman mga tagahanga nina Kathryn at Daniel ang nanood ng pelikula. Kahit hindi nila tagahanga ay sumugod sa  mga sinehan para manood ng The Hows Of Us.

Naging word of mouth kasi ito, dahil sa ganda ng istorya, dahil sa magagandang reviews na natanggap.  Hindi pa namin ito napapanood, pero isa sa mga araw na ito ay panonoorin namin, para ma-witness kung gaano kaganda ang pelikula.

To KathNiel, Direk Cathy, Star Cinema, at sa lahat ng bumubuo ng The Hows Of  Us, our congratulations!

MA at PA
ni Rommel Placente


Sharon, nagmahal ng ‘di taga-showbiz
Sharon, nagmahal ng ‘di taga-showbiz
Nova, grateful sa Viva at N2 Productions
Nova, grateful sa Viva at N2 Productions
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …