Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sharon Cuneta Kiko Pangilinan
Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon, nanindigan: Kiko, ‘di korap

MINSAN nang nanindigan si Sharon Cuneta na sa loob ng mahabang panahong nasa puwesto ang kanyang kabiyak na si Senator Francis  “Kiko” Pangilinan ay hindi kailanman maaaring akusahang corrupt.

Sa ilalim ng PNoy administration ay nagsilbing Kalihim ng DILG si Kiko nang ‘di pinalad sa VP post. Handa si Sharon na patunayan that her life partner is not a crook.

Hindi nga lang namin tiyak kung ka­sing-in­tense o katindi pa rin ang paninin­digan ng Megastar sa dahilang isa si Kiko sa mga sabit sa umano’y DAP (Disbursement Acceleration Program).

Ito ang “precursor” ng PDAF na pinapanagot ang mga dating Senador na sina Jinggoy Estrada at Bong Revilla.

Sa pamamaalam kasi sa puwesto ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ay siya namang lumutang ang mga opisyal na umano’y nakinabang sa pondong aabot sa halagang P150-B, ayon na rin sa ulat ng COA.

Saan-saan ba napunta ‘yon?

Ba­go nahalal bilang Sena­dor ay may pon­dong inilaan din daw sa TESDA na dating pina­mumunuan ni Joel Villanueva.

Identified din si Joel kay Noynoy. At marami pang iba na kakulay ng nakaraang liderato.

Na-realize rin namin ang hirap ng kalagayan ni Sharon.

Bagama’t marami namang kumbinsido sa kanyang tinuran ay paano niya ipalili­wanag ang alleged involve­ment ni Kiko?

Po­li­t­ic­ally moti­vated lang ba ito na inaasahan na rin nilang mag-asawa once out of power?

“Babaklain” lang namin ang sitwasyon, gamit ang standard opening lines ng mga kalahok ng Miss Q & A sa It’s Showtime.

Ito kaya ang maging depensa ni Sharon para kay Kiko?

“I believe my husband is not corrupt. I believe wala siyang kinalaman sa DAP scam. I believe kaya niyang patunayang hindi siya guilty…and I thank you!”

Samantala, kaysa i-stress lang ng Megastar ang kanyang sarili ay mas gusto na lang niyang paghan­daan ng bonggang-bongga ang kanyang Septem­ber 28 concert sa Smart Araneta Coliseum bilang pagdiriwang ng kanyang ika-40 taon sa showbiz.

And she would like to thank her fans. Mai-segue lang!

(RONNIE CARRASCO III )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …