Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ritz Azul Pepe Herrera
Ritz Azul Pepe Herrera

Ritz, ‘di big deal ang pagsusuot ng swimsuit

HINDI naman pala big deal kay Ritz Azul na magsuot ng swimsuit sa pelikulang The Hopeful Romantic kasama si Pepe Herrera dahil sa storycon palang ay nalaman niyang kailangan ng sexy scene.

Imbes na pumalag dahil nga first time niyang magsusuot nito at sa big screen pa ay pinaghandaan na lang niya itong mabuti.

“Sa storycon po kasi alam ko na kailangang magpa-sexy kaya medyo nag-prepare po ako at sobrang laki ng tiwala ko kay direk (Topel Lee) at sa DOP (director of photography) kung paano niya aayusin at pagagandahin sa screen kaya lumakas din ‘yung loob ko.

“Bilang babae rin, siguro normal din sa isang babae na hindi maging sobrang confident sa katawan lagi kang may insecurities. Ganoon kasi ako kaya with the help of everyone, lumakas po ‘yung loob ko, napa-swimsuit ako,” katwiran ng dalaga.

May ibang artista kasi na kapag sa pelikula na ay pahirapang mapapayag na magsuot ng swimsuit lalo na ‘yung mga first timer.

In fairness, sexy si Ritz at maganda ang kutis kaya naman hindi napigilan sabihin ni Pepe na talagang gustong-gusto niya at hindi na siya magtataka na baka isang araw ay tuluyan na siyang ma-in love sa ka-loveteam.

Ang nakatatawang kuwento pa ay imbes na si Ritz ang nerbiyosin sa bedscene nila ni Pepe ang ay komedyante pa.

“Siguro ‘yung bed scene na tawang-tawa ako kasi natatawa ako sa reaksiyon ni Pepe hindi bilang si Jess kundi bilang Pepe talaga kasi nanginginig ‘yung kamay niya at buong katawan. Nagba-vibrate siya na para siyang teleponong nagba-vibrate.

“Tapos si direk ang dami pang shots na nakatatawa mismo. Tapos si Pepe, ‘yung mga reaksiyon niya sa bawat eksena,” natatawang kuwento sa presscon ng dalaga.

At dahil unang pelikula ito ni Ritz ay sobrang grateful siya sa Regal Entertainment sa tiwalang ibinigay sa kanya bilang leading lady ni Pepe at ang karakter niya ay si Veronica na mahilig magpabili ng kung ano-ano.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan


Pepe, nagkagusto na kay Ritz
Pepe, nagkagusto na kay Ritz
Ritz Azul, hindi nainip sa career
Ritz Azul, hindi nainip sa career
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …