Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joross Gamboa MMK Maalaala Mo Kaya
Joross Gamboa MMK Maalaala Mo Kaya

Joross, tinaguriang Hercules

KAPAG sinabi ang pangalang Hercules, pagiging sobrang malakas ang idinidikit sa ibig sabihin nito.

Sa Sabado, Agosto 31, 2018, isa na namang makabagbag-damdaming kuwento ng buhay ang ibabahagi ng MMK (Maalaala Mo Kaya) sa bakuran ng Kapamilya.

Tatay Hercules ang working title ng nasabing episode na pagbibidahan ni Joross Gamboa kasama si Roxanne Guinoo na gaganap sa papel ni Jucel na asawa niya kasama sina Jamila Obispo, Sofia Reola, Raine Salamante, Krystal Mejes, JJ Quilantang, at Lemuel Pelayo. Ang naturang istorya ay mula sa panulat nina Arah Jell Badayos at Akeem Jordan del Rosario at sa direksiyon ni Mervyn Brondial.

Responsableng ama sa kanyang panganay na iniwan ng inang nagtrabaho sa Japan si Hercules. Kaya nang makilala si Jucel at magkaroon na rin sila ng mga supling, kamada na ni Hercules ang mag-alaga sa mga bata.

Pero ang hamon ng panahon ang hindi niya inasahan.

Sa pagkakasakit ng malubha ng anak at kinailangan ang agarang operasyon. Nasaid ang naipon niya sa Saudi. At bilang kapalit ng bayad sa ipinag-ospital ng anak, kada buwan eh nagdo-donate siya ng dugo sa ospital. Marami rin naman ang tumulong sa kanya, isa pang dagok ang dumating sa isa pa nilang anak na heart transplant naman ang kinailangan.

Hanggang saan kinaya ni Hercules at Jucel ang pagsubok na inihatid sa kanila ng tadhana?

HARD TALK!
ni Pilar Mateo


Paulo, nabighani sa ganda ng istorya ni Goyo
Paulo, nabighani sa ganda ng istorya ni Goyo
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …