IPINAHAYAG ng fast rising recording artist na si Janah Zaplan ang labis na kagalakan sa nakuhang nominasyon sa gaganaping Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club.
Nominado ang talented na si Jana bilang New Female Recording Artist of the Year para sa kanyang single na Di Ko Na Kaya mula Ivory Music and Video Incorporated.
Paliwanag ni Janah, “Well, hindi ko po talaga alam kung anong dapat kong maramdaman noong nalaman kong nominee po ako as the New Female Recording Artist po. Sobrang halo-halo po ‘yung emotions ko, I’m honored, grateful and siyempre sobrang happy po.
“In addition to that, thankful din po ako sa Star Awards for Music and PMPC for listening to my song and giving it an opportunity to be part of the awarding.”
Si Janah ay 16 years old at Grade 11 student sa O.B. Montessori, Sta. Ana. Isa siyang volleyball player, in fact siya ang captain ball ng kanilang varsity team. Bukod sa Di Ko Na Kaya, labas na rin ang bago niyang single na Mahal Na Kita na kapwa available sa iTunes, Spotify, Youtube, Deezer, at Amazon.
Si Janah rin together with JR Custodio ang kumanta ng themesong ng indie movie na Rendezvous na pinamagatang Alon ng Puso.
Nag-start siya sa showbiz nang pumasok sa Eat Bulaga’s Music Hero, na siya ay naging semi finalist. Pero ayon sa dalagita, four years old pa lang daw siya ay sumasabak na siya sa pagkanta noon.
Nabanggit din ni Janah ang hinahangaan niyang singer. “Si Sarah Geronimo po,” pakli niya. “Kasi po parang lahat nasa kanya na, total performer, magaling siya mag-express ng feelings niya through singing and ‘di lang siya kumakanta, sumasayaw siya, nag-a-acting siya… kaya sobrang idol ko po si Sarah.
“Actually, kakapanood ko pa lang po ng Miss Granny and sobrang galing niya roon,” masayang saad ng magandang anak nina Boyet at Dencie Zaplan.
Incidentally, abangan ngayong Wednesday (Aug. 29) si Janah na binansagan din bilang Millenial Pop Princess sa pag-guest niya sa Wish 107.5 Bus.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio