Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ria Atayde KathNiel Cathy Garcia-Molina
Ria Atayde KathNiel Cathy Garcia-Molina

Ria Atayde, kinilig kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

HAPPY ang magandang Kapa­milya aktres na si Ria Atayde sa pagiging parte niya ng Kathryn Bernardo at Daniel Padilla starrer na The Hows Of Us. Ipalalabas na ang naturang pelikula mula Star Cinema sa August 29.

Saad ni Ria, “Nakakatuwa po na makasama sa movie. It’s a huge deal for my career… I’m honored.”

Nabanggit din ni Ria na natutuwa siya na nakatrabaho si Daniel dahil kababata niya ito. “And it’s nice po, kasi kababata ko po si Daniel. So, parang hindi ko na po siya nakasama mula noong tumanda kami. Tapos si Kath po, now ko lang din po nakatrabaho. So, I’m getting to know her and I like what I’m learning about her.”

Anong masasabi mo sa KathNiel? Anong klase silang katrabaho?

Nakangiting saad ni Ria, “They’re such dedicated people and super bait nila pareho. Very professional po iyong dalawa. KathNiel is fun to work with.

“They’re so cute together and grabe po ‘yung chemistry nila, both on and off screen. Pati ako kinikilig po, e. Mabait silang katrabaho, very understanding din.”

How about si Direk Cathy Garcia-Molina?

“Solid po si Direk Cathy. She’s a visionary. She knows what she wants and will guide you to get there. Ang galing po niya and I’m learning a lot. She’s one of the directors on my bucket list, so I’m grateful to be given that chance,” saad ng talented na anak ni Ms. Sylvia Sanchez.

Sa ngayon ay patuloy sa paghataw ang career ni Ria. Mapapanood din kasi siya sa Girl in the Orange Dress na mula sa Quantum Films at tinatam­pukan nina Jericho at Jessy Men­diola. Looking forward si Ria sa project na ito dahil first time niyang mapapasali sa pelikulang part ng Metro Manila Film Festival.

Bukod sa pelikula, kasa­ma siya sa teleser­yeng Halik na pinagbibidahan nina Jericho Rosales, Yen San­tos, Yam Concepcion, at Sam Milby.

Bahagi rin si Ria ng isang reality show sa Hong Kong. Kasama ng aktres si Enchong Dee sa naturang show na mula sa action entertainment TV channel na KIX. Balita namin ay sa bandang October this year pa mapapanood ang naturang reality show. Bukod pa rito, si Ria ay may online show pang itine-tape sa ABS-CBN.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio


Mike Magat, maghahandog ng libreng acting workshop
READ: Mike Magat, maghahandog ng libreng acting workshop
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …