KUNG dati ay pagpapaiyak, pagpapatawa at pagpapakilig ang hatid nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, sa bagong proyekto na “The Hows Of Us” na latest movie offering ng Star Cinema ay mas mabigat na pag-arte na ang ihahain ng tambalang KathNiel para sa mga manonood.
“I am very happy for the two. Matagal nang hinihingan ako ng mga fans na something different, level up ganiyan, and more mature roles,” sabi ni Cathy Garcia-Molina, ang direktor ng “The Hows of Us,” ang bagong pelikula nina Kathryn at Daniel.
Ayon naman sa KathNiel, talagang layon nilang magbigay ng panibagong klase ng pag-arte para sa kanilang mga fans.
“‘Yun naman talaga ang goal namin na iba-iba siya,” sabi ni Kathryn. Para naman kay Daniel ay dapat mas abangan ang kuwento ng bago nilang pelikula.
“Actually ‘yung mismong istorya, ‘yung mismong laman, ang core ng pelikula na ‘to is ‘yun ‘yung kailangan nilang abangan,” sabi ni Daniel.
Ipapalabas ang “The Hows of Us” ngayong 29 Agosto, araw ng Miyerkoles. Parte rin ng cast sina Susan Africa, Jean Garcia, Ria Atayde, Alwyn Uytingco, Darren Espanto etc.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma