Last Saturday, ipinasilip na ng Eat Bulaga ang kanilang 40 official candidates sa “Miss Millennial Philippines 2018” na starting this August 27 ay isa-isa nang ipakikilala at maglalaban daily sa show.
Ang pagkakaiba ng beauty pageant ng EB on national TV, lahat ng kandidata nila ay may kaniya-kaniyang hawak na title sa kanilang lugar. Naririto ang sampu sa nagagandahan at seksing 40 candidates nationwide: Contestant No. 1 – Marillen Velasco (Miss Millennial ng Batanes), No.2 – Sharmaine dela Cruz (Zamboanga), No.3 – Mae Angela Miguel (Zambales), No.4 – Maria Isabel Alves (Parañaque), No.5 – Demi Patricia Jainga (IloIlo), No.6 – Maria Glospeah Juaman (South Cotabato), No.7 – Ina Louise Abello (Palawan), No.8 – Jaila Eunice Ragindin (Bataan), No.9 -Kate Maureen Sunga (Guimaras) at contestant No.10 na si Denice Fritz Daligcon ang Miss Millennial ng Apayao.
Abangan dito sa Vonggang Chika at Eat Bulaga ang list ng iba pang 30 candidates sa Miss Millennial Phils 2018 at sino sa mga kandidata ang magiging title holder after Miss Millennial Philippines 2017 Eat Bulaga winner Miss Millennial Camarines Sur, Julia Gonowon?
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma