Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
kit thompson
kit thompson

Kit, napilitang mag-aral sa New York Film Academy (na-challenge nang masigawan ng direktor)

HINDI namin nakilala si Kit Thompson sa media day ng The Hows of Us nitong Miyerkoles ng tanghali dahil ang laki ng ipinayat at gumuwapo talaga. Maging ang direktor ng pelikulang si Cathy Garcia Molina ay nagsabing guwapo ngayon ng aktor.

Tatlong taong nawala sa Pilipinas si Kit, “nag-aral po ako sa New York Film Academy for one year and also sa Los Angeles (California) noong lumipat ako when I signed an agency their, nag-aral din po ako (bukod sa pagiging modelo). 

And now I’m back. I’m gonna do independent film with Atty Joji (Alonso), first feature film niya, she’s directing and produce. Yeah, there’s gonna be digital that’s coming up and a soap. So far, I’m staying na, looks like.”

Ang karakter ni Kit sa The Hows Of Us ay si Darwin na pinsan ni Primo (Daniel Padilla) naninirahan sa Italya pero sa Amsterdam nagtatrabaho.

Nakatrabaho na ni Kit si direk Cathy sa teleseryeng Forevermore na launching nina Enrique Gil at Liza Soberano as loveteam.

Natanong ang cast ng THOU kung naninigaw pa rin si direk Cathy na trademark daw niya.

Bale second time ko ito kay direk Cathy pero parang first time every time. Chill naman si direk, eh (sabay tawa). Chill naman kapag nakukuha mo ‘yung tono and everything.  Everything will be smooth siyempre as an actor kailangan mo ring intindihin the other side kasi it’s a collaboration,” sabi ni Kit.

Hindi na lang nabanggit ni Kit na isa siya sa nasigawan noon ni direk Cathy sa Forevermore dahil aminadong bano siyang umarte. Kaya ito rin ang nagtulak sa kanya para mag-aral ng acting sa New York Film Academy.

FRONTAL NUDITY
KAYA PA RING GAWIN

SAMANTALA, may upcoming project si Kit para sa 2019 Cinemalaya at makakasama niya ang premyadong aktres na si Mylene Dizon.  Natanong ang aktor kung gagawin niya ulit ang mapangahas niyang eksena sa pelikulang Hashtag Y na napasama sa 2014 Cinemalaya na may masturbation scene habang nagsa-shower.

Pagkatapos ng presscon ay natanong si Kit kung kaya niya uling gawin ang nagawa niya rati tulad ng frontal nudity.

Oo naman! Oo naman. Basta ako, magugustuhan ko ‘yung script, gagawin ko,” say ng aktor.

Mapapanood na ang The Hows of Us sa Agosto 29 mula sa Star Cinema.

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …