READ: Sarah, nakatutulala sa Miss Granny
READ: Lani at MPO, sanib-puwersa sa isang anniversary concert
MALAKAS man ang ulan, napasugod pa rin kami sa Tanghalang Pasigueno para sa Philippines Search for Stars, isang talent search handog ng Star Entertainment Production & Talent Management (STEP).
Nag-enjoy kami sa panonood sa mga bagets na nagpakita ng kanilang talent sa pagkanta at pagsayaw. At sa galing nga mga bata, puwede silang ipanlaban sa Tawag ng Tanghalan ng It’s Showtime o The Voice ng ABS-CBN.
May kanya-kanyang team ang mga bagets, Team Jomari at Team Mimosa na siyang mga naging mentor ng mga contestant.
Itinanghal na Big Winner si Karol Josef Martinez, 12, matapos talunin ang nakasama niya sa Top 5 na sina Adea Naidine Solon, 13; Andrea Gicel Aguilar, 9; Joven Pascual, at Joana Marie Abraham.
Sa unang pagpili ng Top 5 nanguna si Joven na nakakuha ng 96.25 percent at sinundan siya ni Karol Josel na mayroong 93.25 percent, at pumangatlo si Andrea na nakakuha ng 77 percent.
At sa muling pagtutunggali ng lima, si Karol Josef na ang nakakuha ng unang puwesto.
Ang STEP ay pinamamahalaan nina Roselyn Jorta (president at CEO), Bianca Foster (executive producer), Lester Dimaranan (creative director), at Cielo Dizon (PR at talent manager).
Anang STEP, naiiba sila sa mga ibang production and talent management dahil, ”We have the most comprehensive workshops for talents of all levels, from new faces to professionals. We utilize cutting edge technology to bridge and unite aspiring and professional talents with top TV networks and advertising agencies.”
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio