Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Person of interest’ tukoy na ng Jeddah authorities

MAY natukoy nang “person of interest” ang mga awtoridad sa Jed­dah, Saudi Arabia kaug­nay sa pagkamatay ng isang Filipina na nakita ang bangkay sa isang hotel.

Ayon sa ulat, natu­koy ang “person of interest” sa tulong uma­no ng mga nakalap na CCTV footage.

Hindi muna iniha­yag ang pangalan ng naturang “person of interest” na hindi uma­no Filipino.

Bago nakita ang bang­kay ng 52-anyos bikti­mang OFW na hindi pa pinapangalanan, tatlong araw muna siyang na­wala.

“We don’t have any information yet on how it looked like when it was found. Ang alam lang natin ay doon sa initial report ng pulis, unknown pa rin ‘yung cause of death,” ayon kay Consul General Edgar Badajos.

Nakipag-ugnayan na ang konsulado ng Filipi­nas sa mga kaanak ng biktima sa Sarangani.

Sinasabing taong 2007 pa nasa Jeddah ang biktima para magtra­baho sa isang salon.

“We are meeting with her fellow workers tomorrow sa consulate. Pinapunta ko sila, dapat matanong din natin, kasi ‘yung mga iniwan ni­yang gamit sa kani­yang kuwarto raw. So we want to protect the pro­perty,” saad ng opisyal. ‘Person of interest’ tukoy na ng Jeddah authorities.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sogo Employee Returns Lost Cash P400,000

Hotel Sogo Employee Selflessly Returns Lost Cash Worth More Than P400,000

  QUEZON CITY, Philippines – A Hotel Sogo Santolan employee, Mr. Raymond Tobasco, discovered a …

PDEA

Batakan tinibag ng PDEA; Operator, 3 runner tiklo sa Porac, Pampanga

BINUWAG ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Pampanga Provincial Office ang isang …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted criminal ng CamSur nabitag sa Bulacan

NAHULOG sa kamay ng batas ang isang indibidwal na nakatala bilang most wanted person sa …

Olongapo PNP Police

12 timbog sa Oplan Roulette sa ‘Gapo

ARESTADO ang 12 indibidwal nang ipatupad ng Olongapo CPS, katuwang ang Criminal Investigation and Detection …

DVOREF College of Law

DVOREF Law ni Rep. Romualdez, pumasok sa Top 4 Nationwide; Elite Circle sa 2025 Bar Exams naabot na

PATULOYang “good vibes” para sa Leyte matapos ang Bar Examinations dahil opisyal nang kabilang ang Dr. …