Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lola sinakal, apo kalaboso

READ: Sinakal ng charger: Bebot pinatay ng dyowa dahil sa selos at pera

SWAK sa kulungan ang isang 24-anyos lalaki makaraan saktan at sakalin ang kanyang 73-anyos lola nang hindi siya bigyan ng pera sa Valen­zuela City, kahapon ng umaga.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Valen­zuela police chief, S/Supt. David Nicolas Poklay, dakong 8:00 am nang maganap ang pa­nanakit ng suspek na kinilalang si Jordan dela Cruz, sa kanyang lolang si Ester dela Cruz sa kani­lang bahay sa Calle Onse St., Brgy. Gen. T. De Leon  ng nasabing lung­sod.

Ayon sa ulat, naglu­lu­to ng almusal ang biktima nang biglang dumating ang suspek at humingi ng halagang P1,500 sa kanyang lola.

Bagama’t kinulit ng suspek ang biktima ay tumanggi ang matanda na magbigay ng pera.

Bunsod nito, nagalit ang suspek, hinablot sa leeg ang matanda saka isinandal sa dingding at sinakal.

Tumigil lamang ang suspek sa pagsakal sa kanyang lola nang maki­tang nahihirapan nang huminga ang matanda.

Isinumbong ng bik­tima ang insidente sa kanyang mga kaanak na nagresulta upang dak­pin ng mga pulis ang suspek.

Sinampahan ang suspek ng kasong pag­la­bag sa R.A. 9262 o Violence Against Wo­men and their Children’s Act sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia BBM Audie Mongao

Goitia: Disiplina ang Sandigan ng Republika May Tamang Lugar ang Pagtutol

Kapag ang isang aktibong opisyal ng militar tulad ni Audie A. Mongao ay hayagang nagbawi …

Sogo Employee Returns Lost Cash P400,000

Hotel Sogo Employee Selflessly Returns Lost Cash Worth More Than P400,000

  QUEZON CITY, Philippines – A Hotel Sogo Santolan employee, Mr. Raymond Tobasco, discovered a …

PDEA

Batakan tinibag ng PDEA; Operator, 3 runner tiklo sa Porac, Pampanga

BINUWAG ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Pampanga Provincial Office ang isang …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted criminal ng CamSur nabitag sa Bulacan

NAHULOG sa kamay ng batas ang isang indibidwal na nakatala bilang most wanted person sa …

Olongapo PNP Police

12 timbog sa Oplan Roulette sa ‘Gapo

ARESTADO ang 12 indibidwal nang ipatupad ng Olongapo CPS, katuwang ang Criminal Investigation and Detection …