Tuesday , November 5 2024

Lani at MPO, sanib-puwersa sa isang anniversary concert

READ: Sarah, nakatutulala sa Miss Granny
READ: Talent ng STEP, puwedeng panlaban sa TnT at The Voice

SAYANG at hindi nakarating sa dapat sana’y pa-presscon ng konsiyerto ng The Manila Philharmonic Orchestra (MPO) si Lani Misalucha noong Lunes dahil naapektuhan din ito ng naging problema sa ating pambansang paliparan.

Bagamat wala si Lani, itinuloy pa rin ang presscon ni Maestro Rodel Colmenar, founder at musical director ng MPO at nagparinig ng ilang naggagandahang musika habang nanananghalian.

Bale isang grand concert performance ang isasagawa ng MPO kasabay ng kanilang 20th anniversary sa Tanghalang Nicanor Abelardo, Cultural Center of the Philippines sa Setyembre 1, 8:00 p.m..

Bale ito ang maituturing na pinakamagandang musical spectacle ngayong taon, dahil magtatampok ito sa all-Filipino stable ng world class musicians, na magpaparinig ng pinaghalong classical at contemporary music na aawitin nina Lani, Raul Sunico, UST singers, at iba pa.

Pamamahalaan ni Maestro Rodel ang konsiyerto na magbabalik-tanaw sa ilang historical musical journey. Iparirinig ng MPO ang mga classical work ng mga kompositor na sina Beethoven at Gershwin na tampok sa segment na ito si Dean Raul Sunico.

Ipakikita naman sa second half ang kung paano nag-evolve ang MPO mula sa orchestra sa mas relevant at instrumental sa pagtatala ng symphonic music na malapit sa mga puso ng Pinoy. Sila ang nanguna sa out of the box na idea tulad ng Philharmonic in Jeans concert series noong 2000, na nag-render ang orchestra ng classical pieces na sinangkapan ng modern twist. Ito ay tribute sa Guess Philharmonic in Jeans Mall Concert Series.

May portion din sa concert na magbibigay katangyagan sa orchestra’s current spirited involvement sa local musical theater at concert scenes. Ang mga kabataan ng musical theater ang magpe-perform ng excerpts mula sa Annie at isang sorpresang pop number mula sa kanilang ikalawang kanta. Magpaparinig naman ang UST Singers ng kanilang George Canseco medley na siyang tribute ng MPO sa OPM Classic.

At siyempre ang pinakamalaking handog ng MPO ay ang performance ni Lani. Siya ang magbibigay buhay sa timeless rock songs ng Queen na siyang magha-highlight sa grand production number ng big band kasama ang UST Singers. At tiyak ito ang number na hindi malilimutan ng audience.

Kaya kung gusto ninyong makarinig ng magagandang musika, watch na kayo sa Sept. 1 na ang stage direction ay pamamahalaan ni Direk Freddie Santos. Ang tiket ng MPO Opus 20: Trailblazing Music Excellence ay mabibili sa TicketWorld Outlets at TickerWorld.com.ph sa 8919999. Para sa iba pang katanungan, tumawag sa 09175478787m 09175762502 o sa manilaphilhar­[email protected].

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda

Vice Ganda sa pagpasok sa politika — never mangangampanya at gagastos

MA at PAni Rommel Placente SA panayam kay Vice Ganda ng dating manager na si Ogie Diaz para sa …

Andre Yllana

Andre na-shock kotseng lumubog sa baha ‘di na naayos

RATED Rni Rommel Gonzales SARIWA pa sa isip ng marami ang pinsalang dulot ng super …

Coco Martin Kim Rodriguez

Kim Rodriguez ‘di malilimutan pag-aalaga  ni Coco

MATABILni John Fontanilla HINDI makalilimutan ni Kim Rodriguez ang mga sandaling naging parte siya ng FPJ Batang Quiapo. …

Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International nangako ng magandang kinabukasan sa kabataan

Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International nangako ng magandang kinabukasan sa kabataan

PINAGTIBAY ng Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International Pilipinas ang pakikipagtulungan para paigtingin ang mga hakbangin tungo sa …

Trish Gaden

Trish Gaden aminadong liberated sa sex, nagpatakam sa pelikulang Baligtaran

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Trish Gaden na mahirap maghubad sa harap ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *