READ: Viral na tigas ng ulo ng ilang motorista huwag gayahin
MALAKING bentaha sa larangan ng sports ang pagkakaroon nila ng kakampi sa katauhan ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano. Sariwa pa sa ating alaala na hinikayat niya si Pangulong Rodrigo Duterte na pumayag para matuloy ang pag-host ng bansa sa 30th Southeast Asian Games sa 2019.
Matatandaang umatras ang Filipinas noong Hulyo dahil sa problema sa terorismo sa Mindanao.
Dahil sa kagustuhang magkaroon ng pagkakataon ang Filipinas na ipakita ang angking galing sa larangan ng sports at ang tuloy-tuloy na pag-unlad ng bansa, nagpursigi si Secretary Alan at SAP Bong Go na ituloy ang pagdaraos ng SEA games sa Filipinas. Noong Agosto ay pormal ng tinanggap ng Filipinas ang responsibilidad na ito.
Kamakailan, nagkaroon ng kaunting gusot ang paglahok ng Filipinas sa larong basketball para sa Asian Games. Umatras ang Samahan ng Basketbol ng Pilipinas (SBP) dahil sa suspensiyon ng 10 manlalaro pati ang 2 coaching staff matapos ang kontrobersiyal na “basketball brawl” sa Philippine Arena.
Kilalang “basketball fan” si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano. Dahil dito tumulong siya at si Special Assistant to the President Bong Go upang mahikayat ang pamunuan ng SBP, Philippine Olympic Committee, Philippine Basketball Association para magpadala ng bagong koponan sa Asian Games.
Mismong si Philippine Olympic Committee (POC) Chairman Ricky Vargas ang nagpatunay na malaki ang naging papel ni Secretary Cayetano sa pagkakaroon ng “last minute” na solusyon sa problema, katulong ang SBP at PBA.
Mukhang malakas ang “convincing power” ni Secretary Cayetano kaya’t nagbago ng isip ang mga kinauukulan at nagdesisyon magbuo ng bago at kasing lakas na team para sa Asian Games.
Sumulat si Secretary Cayetano sa National Basketball Association upang ipaabot ang matinding kagustuhan ng mga Filipino upang mapasali si Jordan Clarkson, kilalang Fil-Am na manlalaro ng Cleveland Caveliers.
Ang paglahok ni Clarkson ay malaking tulong para palakasin ang basketball team ng Filipinas sa Asian Games.
Sabi ga, kapag may tiyaga, may nilaga.
Noong una ay hindi pumayag ang NBA sa hiling ng Filipinas. Ngunit matapos ang mahabang paliwanagan, napayagan din si Jordan Clarkson.
Umaasa tayo na hindi diyan magtatapos ang tulong si Secretary Cayetano sa ating National Team dahil bandila ng Filipinas ang kanilang kinakatawan sa pandaigdigang tournament tulad ng Asian Games.
Sa matagal na panahon at sa mga nakaraang administrasyon, nabalot ng kontrobersiya at korupsiyon ang Philippine sports. Sa panahon ni Pangulong Duterte, sana ay tuloy-tuloy na ang pagbabago para naman mas ganahan ang ating mga manlalaro.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap