TINIYAK ni Senador Antonio Trillanes IV nitong Miyerkoles, ang paghahain ng kasong plunder laban kay dating Tourism Secretary Wanda Teo at media personalities na sina Ben at Erwin Tulfo hinggil sa kontrobersiyal na mahigit P60 milyon advertising controversy.
Ang magkakapatid ay humarap sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Martes upang pabulaanan ang alegasyon na sila ay nakagawa ng “conflict of interest” nang ang
Department of Tourism (DOT), sa pangunguna ni Teo, ay nagba-yad ng P60 milyon sa advertising fees sa state television blocktimer “Kilos Pronto” na host ang magkapatid na sina Ben at Erwin.
“Walang basehan kung bakit sila maglala-gay ng advertisement sa isang programa na mababa ang rating,” ayon kay Trillanes.
“Hindi rin kapani-paniwala ang alibi ni former DOT Secretary Teo na hindi niya alam na ang kanyang sariling kapatid na si Ben Tulfo ang may-ari ng Kilos Pronto,” ayon sa senador.
Ang plunder case ay ihahain din kay Erwin bagama’t sinabi niya sa mga senador na empleyado lamang siya ng programa.
“Napaamin si Erwin Tulfo na nakinabang siya sa transaksiyong ito dahil siya ay kumikita ng P150,000 suweldo kada episode o mahigit P3 milyon kada buwan,” ayon kay Trillanes.
Nauna rito, tiniyak ng TV at radio host sa mga senador na handa ang kanilang pamilya na harapin ang mga kasong ihahain laban sa kanila.
Tumanggi ang pamilyang ibalik ang P60 milyon advertising funds sa gobyerno.
“Returning the money is tantamount to saying that we did something illegal,” pahayag ni Ben Tulfo sa mga senador.