Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Not guilty’ sa rape case hirit ng celebrity doctor

NAGPASOK ang cele­brity doctor na si Joel Mendez nitong Miyer­koles, ng “not guilty plea” para sa dalawang bilang ng kasong rape na inihain sa kanya.

Ang cosmetic surgeon ay nakalaya makaraan mag­lagak ng piyansa para sa kinakaharap na dala­wang bilang ng ka­song rape at isang bi­lang ng attempted rape dahil sa umano’y pagmo­lestiya sa kanyang 17-anyos pamangkin noong 2016.

Kasabay nito, naghain ang kampo ni Mendez ng mosyon, hinihiling kay Mandaluyong Regional Trial Court Branch 214 Judge Imelda Portes-Saulog na mag-inhibit sa kaso.

Ang susunod na pag­dinig ay itinakda sa 19 Setyembre 2018 dakong 2:00 ng hapon.

Nitong nakaraang taon, naging laman ng mga pahayagan si Men­dez makaraan mabigong mag-remit ng SSS contri­butions ng kanyang mga empleyado.

Noong 2016, si Men­dez ay na-convict sa tax evasion case at hinatulan ng tatlong taon pagka­bilanggo at multang P10,000.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …