Saturday , November 16 2024

Dan Fernandez, okey sa Federalismo, pero…

NAGING viral ang video ni Mocha Uson at isang kasama nito na nagsasayaw bago ang paliwanag tungkol sa Federalism.

Hindi napanood ni Dan Fernandez ang naturang “pe-pe-de-de” viral video ni Mocha at ng kasama nito pero aware si Mayor Dan tungkol dito.

“Hindi pa masyado, nadinig ko pa lang,” sinabi ni Mayor Dan.

Bilang alkalde ng Sta. Rosa City sa Laguna, tinanong namin si Mayor Dan kung ano ang masasabi niya tungkol dito.

Ano ang comment niya base sa nadinig niya?

“Panonoorin ko muna.

“Kanya-kanyang interpretasyon ng ano ‘no, ng Pederalismo,” at tumawa si Dan.

“Well, sana ano na lang, let’s stick to the explanation niyong Federalism per se, na understanding niyong talagang nilalaman.

“Eh kung may interpretation sila Mocha na ganoon, well, it’s their right din naman, eh! Karapatan nila ‘yung mag-interpret ng ganoon eh,” at tumawa si Mayor Dan. ”Kung iyon ang interpretation nila, eh ‘di respect it.

“Pero kung ako ikaw, kung nakikinig ka sa kung ano ‘yung Pederalismo talaga, so, ‘pag napanood mo ‘yung kina Mocha at alam mong hindi iyon, eh ‘di just forget about it then stick doon sa kung sinong may alam sa Pederalismo, roon ka makinig!

“Karapatan din naman nila Mocha ‘yun eh, kung ano ‘yung kanilang interpretasyon doon, eh.”

Ano ba ang masasabi ni Mayor Dan sa Federalism?

“Okay naman ako sa Federalism. Ang problem lang doon sa ibinigay nila ngayon, too much power will be given to the Regional Governor. ‘Yung Regional Governor, almost 15 percent sa kanila tapos at saka nila ii-scatter ‘yung resources sa different LGUs [Local Government Unit].

“Eh parang mawawalan ng power ang mayors, ang mga governor.”

So hindi siya pabor sa Federalism?

“’Pag ganoon ang set-up, not so much.”

Ano ang set-up na nais niyang mangyari?

“Well ang set-up natin dapat, to empower the different LGUs, ‘yung mga mayor, governor.

“Kasi iyon ang nasa Saligang Batas natin, eh. ‘Yung autonomy, eh.

“Palakasin ang iba’t ibang bayan, on their own, para to tackle problems on their own as well, ‘di ba?

“So ang ibig sabihin, kung ano ‘yung existing power na ibinigay sa mga LGU, it should be retained. Not to rob some power from the different LGUs and giving it to the regional sector.”

Nakausap namin si Mayor Dan sa first shooting day ng Hawa, isang zombie movie with Brandon Vera intended for the Metro Manila Film Festival sa December.

Ginanap ang shooting nitong Biyernes, August 10, sa Victoria School sa Ermin Garcia St. sa Quezon City.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Check Also

Robin Padilla WPS

Robin gagawa rin ng pelikula ukol sa West Phil Sea

IKINAGALAK ni Dr Michael Raymond  Aragon, Executive Producer ng WPS (TV/ Radio series na ipinalalabas ngayon sa DZRH TV at DZRH radio) at …

Ken Chan Café Claus

Ken Chan iginiit: Hindi po ako nanloko

ni JOHN FONTANILLA BINASAG ni Ken Chan ang pananahimik matapos mabigong pagsilbihan ng mga awtoridad ng warrant …

Yasmien Kurdi Rita Daniela Archie Alemania Baron Geisler

Yasmien aminadong may trauma pa rin kay Baron, pinayuhan si Rita

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Yasmien Kurdi sa radio program ni Gorgy Rula, natanong siya …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana

KathDen fans umalma, vloggers na nagpakalat ng HLA video clips tinalakan

MA at PAni Rommel Placente MAY ilang vloggers na nagpapakalat ng video clips na kuha …

Rhian Ramos Rita Avila

Rita Avila saludo sa kabaitan at marespeto ni Rhian Ramos

MATABILni John Fontanilla PURING-PURI ng beteranang aktres na si Rita Avila ang kabaitan at pagiging marespeto ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *