READ: Pasabog ng PPP, inalat
HABANG kalakasan ng ulan at tumataas ang baha, naubos naman ang oras namin sa pakikipag-chat sa isang chat room. Napag-usapan sa chat ang mga love team, at lahat ay nagkakaisa sa pagsasabing mukha ngang ang matibay na lang na love team ay iyong KathNiel.
Bagama’t bumaba ang kanilang popularidad noon dahil sa ginawa nilang pagkakampanya sa politika, naiwan ang kanilang career. Hindi sila napapanood dahil halos isang taon silang nagkampanya para sa isang kandidatong natalo naman. Ngayon ay nakabawi na sila.
Nakabawi nang husto iyan doon sa pelikula nilang Barcelona, na naging best actor pa si Daniel Padilla nang dalawang ulit, kahit na nga sinasabing hindi iyon sa mga prestigious award giving body. Pero ok na rin naman iyon. At least hindi naman natsismis na binili niya ang award, o namigay siya ng mga trip abroad.
Iyong ibang mga love team kasi nawala na eh. Malamig na lahat. Isang hibla na lang wala na iyong AlDub. Pinaghihiwalay na rin iyong JaDine. Nakagugulat pero tinapos ng ganoon na lang ang serye niyong LizQuen, samantalang iyong Dolce Amore noon bago natapos ang tagal, at nang matapos inis ang mga tao dahil gusto pa nila.
Ang isa pang nabanggit na sayang ay iyong JoshLia, na inaasahan nilang next generation love team sana dahil malakas ang dating eh. Kaso nasamahan ng malas, ayun bumagsak din ang pelikula na kumita lang daw ng P68-M sa kabuuang run. Nakagugulat dahil sanay kang mabasa sa kanila iyong gross na P100-M in 4 days, tapos iyan ganyan lang kahit na binibili na ang mga screening wala ng manood.
Ganyan lang talaga ang buhay eh. Pero ang paniwala namin, iyang JoshLia na iyan ay maaari pa namang isalba, kung magagawan nga lang nila ng tamang damage control. Dapat lang naman dahil kung iisipin mo, iyan ang inaasahan nila pagdating ng araw, unless may makuha na naman silang iba.
HATAWAN
ni Ed de Leon