READ: Direk Jason, inspirasyon ang pagtulong sa indie bands
READ: Perla, Menggie at Dante, ‘‘di nagpahuli’ sa Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon
READ: Drug free Bulacan, drug free showbiz, pangarap ni VG Fernando
NILINAW ni Cinema One channel head Ronald Arguelles na hindi siya maligaya sa bagong rules ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP).
“Hindi ko naman sinabi na I am not happy sa mga bagong rule ngayon ng PPP,” paglilinaw ni Arguelles sa presscon ng pelikulang Paki, isang pelikulang tungkol sa pamilya at pag-ibig na haharap sa matinding pagsubok. Kasama ang Paki sa special featured section ng PPP, isang selebrasyon na pinangungunahan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na magaganap sa Agosto 15 hanggang 21 sa mga sinehan sa buong bansa.
“Actually, ine-expect ko na magbabago sila at mag-iiba at mag-e-experiment sila sa gagawin nila sa PPP. Siyempre mayroon ding learnings from last year.
“So, last year, isinali nila ‘yung mga galing sa mga festival na hindi bago. Nagbago sila this year to adjust doon sa requirements siguro ng theaters. May pressure rin siguro ang mga theater doon sa kailangan kaya mga bago ang dapat maipalabas.”
Giit pa ni Arguelles, “So, I’m still happy dahil binigyan pa rin ng chance na maipalabas ang ‘Paki.’ At ‘yung ibang nanalo sa festivals mula sa ibang festivals.
“Okey pa rin ako roon. Malaki pa rin naman kasi ang support na ibinibigay nila (FDCP at PPP) para maipalabas ang mga pelikula na hindi na bago o galing sa ibang fesitvals.”
“I Kinda expected already na ito ang mangyayari sa second year nito.”
Ang Paki ang itinanghal na Best Picture sa 2017 Cinema One Originals na nagtatampok kina Dexter Doria,Noel Trinidad, Shamaine Buencamino, Eula Valdes, Ricky Davao, Cielo Aguino, Paolo Paraiso, Ina Feleo, Miguel Valdes, Sari Estrada, Dravin Angeles Sunshine Teodoro, Thea Yrastorza at iba pa.
Bukod sa Best Picture, nasungkit din ng pelikulang ito ang Best Supporting Actor award para kay Ricky at Best Screenplay at Best Director kay Gian Carlo Abrahan. Nakuha rin ni Dexter ang Dr. Jaime Guetierrez-Ang Medical of Excellence for Acting sa Gawad Tanglaw.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio