Saturday , November 2 2024

Online sabong laking pahirap sa industriya ng karera

BAYANG KARERISTA ang nagsasabing napakalaking pahirap ng E-Sabong o tinatawag na Online Sabong sa industriya ng karera ng kabayo sa bansa.

Dagdag pa sa pahirap sa industriya ang karagda­gan buwis buhat sa Train Law na 20 porsiyentong documentary stamp tax dahilan ng pagliit ng mga dibidendo kung sakaling tumama sa karera ang isang mananaya.

Resulta, nawawalan na ng interest ang mga karerista at naglilipatan na sa E-Sabong dahil mas higit na maganda ang binibigay nitong dibidendo kung mananalo ang pinustahang manok.

Nung nakalipas na taong 2017 nagbigay ng 1.25 bilyung pisong  buwis sa gobyerno ang industriya ng karera. Gaano  naman kaya ang naibigay ng E-Sabong sa kaban ng pamahalaan?

Kamakailan lang ay hinabla ni Ginoong Leon Estrella Peralta, nagtaguyod ng Anti-Trapo Movement (ATM) ang Philracom sa pangunguna ni Chairman Andrew Sanchez at kanyang mga kasama ng katiwalian.

Kadahilanan,  hinayaan nito ang E-Sabong at gamitin ang mga Off Track Betting (OTBs) sa pagtanggap ng mga taya.

Nagpalabas naman ng kautusan si Solicitor General Jose Calida na walang karapatan ang Games and Amusement Board (GAB) na sabihing LEGAL ang E-Sabong bagkus ito ay isang krimen.

Agad namang pinag-utos ng pinuno ng GAB na si dating Palawan Gobernador Abraham Blanco Mitra sa MJCI, PRCI at MMTCI na itigil na ang pangtanggap ng mga pusta sa kani-kani­lang mga OTBs.

Pinasara ng Lungsod ng Valenzuela ang mga OTBs sa kanilang nasasa­kupan na tumatanggap ng mga taya sa E-Sabong.

Maging ang Lungsod ng Pasay ay gayundin ang ginawa. Pero meron ding mga lungsod ang hinaha­yaan lang ang E-Sabong gaya ng  Maynila at Lung­sod Quezon.

Sa ngayon ay mahina o lalong lumiit ang SALES ng karera ng kabayo dahil sinasabayan ito ng E-SABONG.

Dapat ay ipatigil ng ang E-SABONG sa mga OTBs at HUWAG itong  isabay sa may araw ng karera.

oOo

Balitang magsasara na raw  ang mga karera­han sa bansa na ikinaa­larma ng mga namumuhu­nan. Sino kaya ang may pagkukulang o may sala sa usaping ito? Nagsimula ang karera sa Plipinas noong 1867 o 151 taon na ang nakararaan.

Malaking pondo (bil­yong piso) ang naibibigay ng industriya ng karera sa kaban ng pamahalaan kaya malaking kawalan ito kung totoo ang balita.

oOo

BINABATI natin ng belated Happy Birthday si VM Totoy Criste Jr. ng Mag­­dalena, Laguna. Owner/­Manager at Secretariats Enterprises and works for owner /Manager (Adto Enter­prises). Sama na rin natin ang aking BOSS na si Mr. Renato Avenido ng Las Vegas, California, USA.

DEAD HEAT
ni Freddie M. Mañalac

 

About Freddie Mañalac

Check Also

Anton Ignacio, World Jetski Champion

Anton Ignacio, World Jetski Champion

NAMAYAGPAG ang 18 anyos na si Anton Ignacio nang angkinin ang titulo ng prestihiyosong SBT-International …

Milo Gatherings of Champions

PSC, POC, DepEd pinarangalan sa Gatherings of Champions

TAPAT sa kanyang pangako sa pagbuo ng isang bayan ng mga kampeon, ipinagdiwang ng MILO® …

Ricielle Maleeka Melencio Go Full Speedo

Melencio nanguna sa MOS awardees ng PAI-Speedo Swim Series 2

NANGIBABAW si Ricielle Maleeka Melencio sa dalawa pang event para dalhin ang kanyang kabuuang gintong …

Nicola Queen Diamante

Diamante, Melencio, Evangelista namuno sa ‘Go Full Speedo’ Swim Series 2

NATAMO ni Nicola Queen Diamante ang gintong medalya sa 50-meter butterfly sa girls’ 14 years …

TOPS Manilas Finest Golf Cup sa 8 Disyembre

Manila’s Finest Golf Cup sa 8 Disyembre

SANIB PUWERSA ang Antigong Maynila, Inc. at New Manila’s Finest Retirees Association, Inc. (NMFRAI) para …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *