Thursday , December 7 2023

Horse owner Jesuslito Testa

00 dead heatISANG horse owner ang nakilala natin sa isang OTB sa Sampaloc, Manila. Si Mr. Jesuslito Testa na matagal nang nagmamay-ari ng maraming pangarerang kabayo.

Kung makikita ng personal si Mr. Testa sasabihin mong hindi siya ang taong maykaya sa buhay. Simple lang kung siya’y kumilos at simpleng manamit.

Pero magugulat ka pag nakita mo kung gaano siya kalakas tumaya sa OTB. Hindi daw siya tumataya sa mga illegal na bookies.

Kung sa illegal bookies daw siya tataya ay walang mapupunta sa gobyerno na bahagi na kanyang tinaya. Kaya laging sa OTB nalalaban ang kanyang pusta.

Sa OTB ay siguradong walang ‘DISKUWENTO” kahit malaki ang tamaan ng taya mo.

Sana Bayang Karerista sa mga OTB na lang kayo tumaya upang hindi sumakit ang ulo ninyo pag tumama kayo ng malaking debidendo dahil sa mga illegal bookies DISKUWENTO ang aabutin ng tama ninyo,” payo ni Mr. Testa.

oOo

Talamak pa rin hanggang ngayon ang operasyon ng mga Illegal Bookies ng karera ng kabayo sa buong Metro Manila.

Kung wala raw ang mga illegal na bookies ng mga gambling lord, malaki sana ang SALES o BENTA noong nakaraang malaking pakarera sa Manila Jockey Club.

Halos kalahati ang napupuntang benta sa mga illegal bookies kaya mallit din ang pumapasok na revenue sa pamahalaan.

Dapat ay bigyan ng malaking PANSIN ng awtoridad at ipasara ang mga illegal bookies ng mga gambling lord na naglipana sa buong Metro Manila.

oOo

Wala nang magiging kampeon sa 2015 Triple Crown dahil walang nanalong kabayo na dalawang sunod.

Sa Hulyo 12, 2015 hahataw ang 3rd Leg ng Triple Crown sa karerahan ng Metro Turf Club, Malvar, Batangas.

Abangan po natin kung sino ang mananalo sa 3rd and final leg ng Triple Crown.

oOo

Sa mga MACHINE TELLER ng mga OTBs sana ay maging magalang kayo sa mga tumataya sa inyo. Yung ibang Machine Teller ay BASTOS AT WALANG GALANG sa mga mananaya.

Kaunting pagkakamali ng mananaya ay galit agad ang mga ito at ang akala mo ay siya ang may-ari ng OTB.

Maraming mananaya ang laging nagrereklamo dahil nga walang modo o talagang bastos ang ibang MACHINE TELLER.

KUNG WALANG MANANAYA WALA NA KAYO DIYAN SA PUWESTO NINYO!

MAGBAGO NA KAYO!

oOo

Nagpapabati ang mga kaibigan natin na sina Mr. Jun Yabut, Mr. Ronald Mundero, Willy Chan at si Van Yabut na pupuntang Dubai sa katupusan ng buwan ng Hulyo.

Nagpapasalamat tayo kay Boss Edong Diokno na may ginintuang puso na nagbibigay tulong sa mga nanganga-

ilangan.

MABUHAY BOSS EDONG DIOKNO HARI NG BACLARAN!

DEAD HEAT – Freddie M. Mañalac

About Freddie Mañalac

Check Also

PH Canoe-Kayak squad, kampeon sa Asian Cup

PH Canoe-Kayak squad, kampeon sa Asian Cup

INANGKIN ng Philippine Canoe-Kayak team ang pangkalahatang kampeonato sa napagwagihang 21 medalya kabilang ang 10 …

Pickleball, laro para sa Pinoy

Pickleball, laro para sa Pinoy

UMAASA ang liderato ng Philippine Pickleball Federation na tulad ng kaganapan sa ibang bansa, mabilis …

Nagbabalik ang Volleyball World Beach Pro Tour sa Nuvali

Nagbabalik ang Volleyball World Beach Pro Tour sa Nuvali

MAGTITIPON ang mga elite na manlalaro sa buong mundo sa loob ng limang araw sa …

Siargao kampeon sa International Dragon Boat

Siargao kampeon sa International Dragon Boat

DINOMINA ng Siargao Dragons ang apat sa pitong events na nakataya at inangkin ang overall …

Tribesmen sasabak sa PSC IP Games

Tribesmen sasabak sa PSC IP Games

PUERTO PRINCESA — Muling bibigyan ng pagpapahalaga ang mayamang pamana ng kultura ng mga Filipino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *